^

Kutob

Agosto 13, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Susunod ako sa Dios, hindi sa tao.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kapwa. Malilito sa mga magaganap na pangyayari sa araw na ito. Kailangang lawakan ang pasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 26, 37 at lilac.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Magwawakas ang pangungulila sa minamahal na nasa ibang bansa. Nasa posisyon ka ngayon para makatulong sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 32, 41 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung tututukan ng husto ang maliit na negosyo, tiyak na ito ay lalago at magbibigay sa iyo ng kaginhawaan. Sikapin mong balansehin ang bugso ng iyong emosyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 37 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag maging waldas sa pera sa walang kabuluhang bagay. Ipapakita mong malakas ka at matatag. Huwag personalin ang mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 29, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Dis­yebre 21) – Laging nakapokus ang atensyon ng ka-partner sa kanyang hanap-buhay. Mas dapat mangamba kung laging­ barkada ang pinaglalaanan ng oras niya. Tiyak na makakahanap ng mapagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 21, 38, at light blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Mag-isip ng mabuti bago tanggapin ang inilalapit sa iyo ng isang kaibigan. Tamang panahon rin ito para makapaghanap ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 33, 41 at pink.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maaaring mataranta dahil sa isang emergency kaya sikapin na manatiling buo ang loob. Pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo na kung may lakad ka ngayon. Lucky numbers at color for the day at 4, 15, 28, 33 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ma­pagmahal at maalalahanin ka pero napakaigsi ng iyong pasensiya. Huwag isipin ang pagkabigo, ang mahalaga ay sinubukan mo ang lahat ng iyong makakaya. Huwag maging makasarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 29, 36, at blue

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwaksi ang takot. Gawin ang gustong gawin kung alam mong ito’y makakabuti. Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at fuschia.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag idamay ang mga kaibigan o kasambahay sa problemang may kinalaman sa pag-ibig. Malamang na may kainisan ka dahil sa kakulitan. Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 40 at jade green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Kung ayaw na makasama ang iyong suhestiyon, huwag itong ipilit. May pagbabagong magaganap sa pag-ibig na iyong mapapansin. Isang pabor ng kamag-anak ang iyong pagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 35, 42 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ngayon mo makikilala kung sino ang tunay na ka­ibigan. Patuloy na gampanan ang tungkulin sa pamilya. Huwag biguin ang mga magulang sa kanilang ninanais para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

ENERO

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with