^

Kutob

Agosto 12, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang banal na espiritu ng Dios ang agarang tulong ko sa buong araw.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa iyo ngayon. Pumili ng isang taong alam mong nararapat sa iyo. Mataas ang magiging pagnanasa mo na kumita nang mas malaki. Madaragdagan ang iyong mga kliyente. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Hindi ma­iiwasan na may magselos. Isipin ngayon ang kasa­lukuyan at gawin ang alam mong hindi makakasakit ng iba. Ang araw na ito ay mas masaya kaysa kahapon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung patuloy ang iyong pagsisikap, ikaw ay magtatagumpay at kaiinggitan ng iba. May gustong sabihin ang iyong minamahal na hindi niya kayang isatinig, ikaw ang dapat magtanong. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Bigyang pahinga ang sarili at bigyan ng atensyon ang taong nakaligtaan mo. Kung hindi importante ang sasabihin, huwag nang magsalita. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Malaking problema ang haharapin sa trabaho. May makakaribal ka sa iyong minamahal. Ngunit walang dapat ikatakot dahil mananatili ang kanyang katapatan sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag agad magbitiw kahit pakiramdam mo ay nahihirapan ka sa iyong tungkulin, huwag ka rin mainip. May mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ilang sagabal ang ibang bagay, na dapat tuklasin mo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Susubukan ang iyong katapatan sa iyong trabaho kaya maging handa. Maging matipid. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Unahin ang mga kailangang bagay, hindi ang iyong luho. Maging mapagkumbaba. Ang pride ang magiging hadlang sa iyong progreso kung babaguhin ang ugali, tiyak tatahakin ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap, kaya hindi maiiwasan na makapagbigay ka ng tulong. Ipagpatuloy ang panga­ngalaga sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang inaakala mong paraan para kumita ng malaki ay dapat iwasan. Mahalin ang kung anumang hanapbuhay na mayroon ka. Tandaan na mas lalong nawawalan ang naghahangad ng malaki. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Makakamit ang inaasahan. Subalit nasa likuran mo pa rin ang mga magulang para subaybayan ka. Magiging abala sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) Huwag mong saya­ngin ang oras sa mga walang kabuluhang bagay tulad ng pakikipag-tsismis. Tumulong sa mga nanga­ngailangan. Huwag ikibit-balikat ang mga pangyayari, ma­ging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 32,at avocado green.

 

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with