^

Kutob

Agosto 2, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa bawat pang-unawa, hatid ay karunungan… pinasasalamatan ko ang Dios na siyang pinagmumulan nito.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung walang asawa nakapokus ang panahon at atensyon sa pagpaplano sa pag-aasawa o pagpapakasal. Kung may asawa naka-pokus ang pansin o atensyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisyal na D o E. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Libra. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – May ma­sayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang Taurus. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa paggastos. Hindi maiiwasan ang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan sa personal na aspeto ng Aquarius o kapwa Virgo. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.  

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kalituhan ang hatid ng kapwa Libra na maaaring pagsi­mulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Libra para mapokus ang atensyon sa pag-a-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon ng may pangalan na ang unang titik ay B, C, E o W. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Ipokus ang pag-iisip at panahon sa pet care, general health o kung papaanong mapapaunlad ang ikakabuhay. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Scorpio sa trabaho. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na may kinalaman sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga gamit lalu na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon para pagtuunan ng pasin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Malaki ang magiging bahagi ng kapwa Capricorn na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganin na timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid na balita ang Leo at magbibigay ng aspetong legal ang Aries. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20  - Pebrero 18) – Malamang makakasagupa ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Malaki ang magiging bahagi ng isang kapwa Pisces o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpokus sa pag-i-invest, sa trabaho o may kinalaman sa Fashion, news o entertainment ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may balak na magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal. Mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema para manumbalik ang harmoniya. Magiging stable ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangan magplano tungkol sa ka­la­gayang pinansiyal. Magplano at hanapin ang paraan upang magkaroon ng ekstrang pagkakitaan. Ang Cancer­, Capricorn o kapwa Taurus ay maaaring ma­ka­tulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo. 

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ka ng Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 24, 44 at crimson.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magkakaroon ng maraming aktibidad. Pagtuunan ng dobleng­ pag-iingat ang anumang gagawin. Tapusin ang sinimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at yellow.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

LUCKY

MAGIGING

MALAKI

NUMBERS

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with