^

Kutob

Agosto 1, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mapuno man ng panlilinlang ang mundo, buo ang pag-asa ko sa katapatan ni Hesus.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran pero ang masusing­ pag-aaral ay dapat gawin bago pumalaot para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay bagay para makapag-isip ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at beige.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tamang pa­nahon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag pa­­alpasin kung may mag-aanyaya. May pagka­kataon na makatagpo ng soulmate o twin flame. Kung isang Sagittarius o Pisces ang makikilala, hahantong sa pang-matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 19, 33, 37, 38 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kakapusan ang suliranin pero kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Kahit masakit sa kalooban, paglabanan at tiisin ang gusto dahil kapos ka ngayon. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 33, 42 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis sa kapaligiran ng tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 29, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Mag­pakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o magdesisyon para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin sa pag-ibig, pinansiyal o tungkol sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 26, 33 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi magandang salita. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan ang maging emosyunal. Maipapakita ang kaalaman at husay na hahangaan ng kasamahan o ng boss. Lucky numbers at color of the day ay 15, 17, 23, 31 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig at kung hindi makakapagpigil, mapapahamak. Pag-isipang mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpa­dalus-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya o ikakalungkot. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 32, 42 at ocean blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan kaagad. Malaki ang kikitain sa mga freelancer at nagba-buy and sell. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran ang mangyayari sa pag-ibig. Iwasang makipag-date dahil hindi magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 24, 37 at blue sapphire.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang makipag-isa sa taha­nan, maging sa mga kasamahan at kaibigan ay kaila­ngan para mapanatili ang harmony at magandang samahan. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 33, 42 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag ipagwalang ba­hala ang responsibilidad na nakasalalay dahil may nagmamatiyag. Harapin ng buong tatag at panagutan ang ginawang desisyon, maging ito ay tama o mali. Magdahan-dahan sa ginagawa o gagawin upang maiwasan na magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 27, 37 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para mapalayo sa gulo. Libangin ang sarili sa paggawa ng mag-isa o sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 14, 21, 33, 40 at scarlet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May gantimpala nag­hi­hintay sa pagbibigay ng tulong sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pa­ngunahin at gustong gawin; kung mapaglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung magagawa ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 28, 39 at dollar green.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with