^

Kutob

Hulyo 27, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi nawawala ang pagkakataong lumago sa buhay-ispiritwal, kailangan lang kumilos ka para maisagawa ito.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang matagal nang gustong malaman ay mapapasakamay. Ang sukatan ng tunay na pag-ibig ay hindi sa salita at pera kundi sa kilos at gawa. Malamang may bagong pag-ibig na sisibol. May lihim na mabubunyag nang hindi sinasadya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 33, 38 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Naaayon ang pagpaplano sa negosyo. Ang pagpaplano o pag-uusap tungkol sa kasal o pag-iisang-dibdib ay inaayunan ng panahon. Magiging maaliwalas ang takbo ng oras, walang masamang mangyayari at walang problema. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 20, 42 at pink.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang mata­gal nang gustong mangyari ay may katuparan. Ituloy ang binabalak at tiyak matatapos. Huwag mag-atubili, pansinin kung ano ang mga pagkukulang sa tahanan. Hangga’t maaga, resulbahin ang problema para hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 16, 22, 26, 41 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magi­ging ma­saya ang araw. Puno ng romansa at magiging har­monious ang pamilya. Maaaring manalo sa isang pustahan o makakatanggap ng pera o bagay na gantimpala. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 30, 43 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ma­aaring masangkot sa intriga subalit kung hindi magpa-panic sa pagpapaliwanag, makakalusot. Huwag paniwalaan o patulan ang pang-aasar o pamimika ng mga kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 33, 39, 40 at aqua blue. 

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Isang ka­mag-anak o kaibigan ang maghahatid ng balita na maaaring ikalungkot o ikaligaya. Alalahanin ang high blood kaya self control ang kailangan. Kung magiging positibo ang pag-iisip, tiyak magiging positibo ang resulta ng ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 18, 34, at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maaaring hindi matuloy ang binabalak gawin dahil may ibang mahalagang bagay na dapat harapin. Gaano man maging busy sa umaga, magkakaroon ng kaluwagan ng oras sa hapon. Naaayon ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 21, 29 at mustard yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magiging abala subalit masaya sa resulta ng ginawa. Huwag mangako dahil sa pagka-busy, malamang may makalimutan. Isang kaanak o kaibigan ang hihingi ng tulong tungkol sa pera o suliranin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 16, 19 at violet.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa taglay na talino, ma­papamalas ang bagay na hahangaan ng marami o ng boss. Huwag idaan sa init ng ulo ang gawain dahil ililihis­ ka sa tamang landas. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 21, 30 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung may binabalak, kilos kaagad nang makita ang positibong resulta. Ang mga bagay na dapat ayusin na nangangailangan ng pera ay madaling matutugunan kung ipagtatapat sa minamahal, kaibigan o kamag-anak. May makakatulong sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 25, 37 at brown.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may hinihintay, huwag asahan dahil malabong darating. Madaling malalapitan ang lahat ng taong gustong makausap. Kung may lalakarin o ipa-follow-up ipagpaliban dahil walang mangyayari. Iwasang isabit ang iba sa personal na kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 27, 34 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang pagsi-saving kung sisimulan ay lalago. Pag-aralan ang nilalandas para hindi maligaw sa daan. Ang mga gawain ay positibo ang resulta. Malamang makatagpo ang soul-mate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 27, 40 at navy blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with