^

Kutob

Hulyo 26, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na halaga­ ay pinagkakatiwalaan ng Dios ng malaking halaga. Laging maging tapat.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maging alerto sa gawain. Kung may ipinangako tiyak na maisasakatuparan. Huwag magbakasakali dahil negatibo ang resulta. Iwasan ang mga salitang makakasakit ng damdamin ng kapwa dahil magiging sensitibo ang mga taong makakausap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 30, 39 at beige.  

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag magmukmok at maging emosyonal dahil walang­ mangyayari. Maging kalma at mahinahon, isipin ang magandang solusyon at huwag sayangin para maging­ positibo ang resulta ng binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 36 43 at sky blue. 

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng kaunting  panahon, makakaisip ng kalutasan­ sa suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Dapat paglabanan ang katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 26, 36 at emerald green. 

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung ang hangad ay tagumpay, gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino upang tahakin ang tamang landas ng pag-unlad. Walang tagumpay na matatamo kung hanggang sa pag-iisip lamang sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 26, 37 at white or dirty white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay, iwasang tanghaliin dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng ano mang bagay sa dapit-hapon dahil hindi maisasauli o maibabalik. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at cream o white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung tamlay ng katawan ang maramdaman, paniningil lamang ito sa pag-abuso o pagbabalewalang ginawa sa kalusugan. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagampanan o magagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Aksiyon ka­agad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Maaaring lumaki ang mun­ting problema kung hindi kaagad aaksyunan. Huwag ha­yaang makaalpas ang magandang pagkakataong dara­ting dahil hindi na babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavender.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa at kung babaguhin ngayon may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Alam ng sarili ang ma­samang ugaling umiiral. Kung babaguhin, tiyak na mag­babago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Ma­ging totoo. Pranka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27, 34 at golden yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –  Dahil sa kasiglahan magagampanan ang gawain ng buong husay at walang sagabal. Iwasan ang paanyaya upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 33, at indigo.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Magandang gantim­pala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, kasamaan ang matatamo dahil oras ng pagbabayad sa ipinunla, mabuti man o masama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at milk white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung inaakala na maraming magagawa ngayon, nagkakamali ka dahil ang katamaran ay siyang maghahari na dapat paglabanan. Magiging maikli ang pasensiya na siyang magiging dahilan para madaling magalit at maging bugnutin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 33, 34 at honey yellow.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with