^

Kutob

Hulyo 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sa higit na kadakilaan ng Dios ko inilalaan ang lahat ng aking gawain.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag magpatumpik-tumpik at sabihin ang dapat sabihin dahil madali kang mauunawaan. Huwag mag-atubiling ipahayag ang kailangan dahil mapagbibigyan ka. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 26, 30, 39 at yellow.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Hindi makukuha kaagad ang hinahangad. Maaabot lamang ang tagumpay kung sisimulan mula sa baba na parang umaakyat ng hagdanan para makarating sa itaas. Tutukan at huwag iwanan ang mga plano. Kilos, tiyaga at sipag ang susi ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 27, 31, 43 at scarlet.

LIBRA (Setyembre 24- ­Oktu­­bre 23) – Hindi ka makakaahon sa kasalukuyang sitwasyon kung wala kang gagawing pagbabago. Hindi lingid sa iyong kaalaman kung ano ang iyong pagkukulang, ito ang dapat baguhin. Ang pagkaganid at masamang ugali ay nagtataboy ng suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 37, 39 at fuchsia.  

SCORPIO (Oktubre 24- Nob­yembre 22) – Ang iyong pananahimik ay nangangahulugan ng iyong pagsang-ayon kahit labag sa iyong prinsipyo at kalooban. Walang masama kung sasabihin ang totoong nilalaman ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 29, 36 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Lumaro ka ng patas, walang halong pandaraya. Ang anumang bagay na nakuha sa pandaraya ay saglit lamang ang kaligayahan dahil ang kabayaran ng karma ay daang tiklop na pagdurusahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 28, 39 at pale yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung hilong talilong sa kakaisip dahil sa problema sa relasyon o pinansiyal, walang masama kung kumunsulta sa psychic para magkaroon ng tamang gabay sa suliranin. Lalong tama ang gagawin kung higit sa isa ang sumasang-ayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 22, 31 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Kung sa palagay ng sarili na tama ang gagawin, huwag mag-atubiling simulan kaagad dahil naghihintay ang tagumpay. Kung may duda, huwag ituloy. Sa lakas ng ESP, kung ano ang naiisip ay mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang hinala ay hindi batayan na ang akala ay totoo, maliban kung may matibay na ebidensya. Patunayan muna ang totoo bago gawin ang kumprontasyon. Huwag idahilan ang tsismis sa kumprontasyon. Hindi lahat ng usok ay may apoy. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 19, 37 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Suriing mabuti ang gawain o dapat gawin upang maiwasan ang magkamali. Nasa panig ang malakas na enerhiya ng pagkakamali kaya dahan-dahan at tiyakin ang bawat hakbang. Huwag magpabigla-bigla. Hangga’t maaari magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 24, 35 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Masusukat kung hanggang saan ang iyong pagtitimpi sa tahanan o trabaho. Ang mabuti, huwag patulan kung ano ang ikakagalit dahil kapag nagkataon may masasaktan ng pisikal o emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 28, 39 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Malamang may mangyaring maganda, maaari rin may mangyaring masama. Maging alerto at mapagmasid. Maging maingat. Huwag magtiwala lalo na kung may duda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 14, 19 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ngayon mo lakarin ang dapat lakarin dahil magtatagumpay ka. Kung maniningil ng pautang, mababayaran. Kung nag-a-apply malaking pag-asang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 31, 36 at pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with