^

Kutob

Hulyo 22, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kalooban ng Dios ang magaganap sa buhay ko.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang gawaing sinimulan na walang hadlang o abala. May pangyayaring magaganap na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at indigo.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng talino at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pagpapasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.   

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag pa­tangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok para may magamit kung may kailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang magtipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 30 at citrine yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan dahil magbibigay kasiyahan sa sarili. Sa paraang mahinahon ang suliraning kasangkot ang kasamahan sa trabaho o sa tahanan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na panahon sa pagpapahinga at pag-aalaga. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Kailangan ang mag-ingat. Simulan ang magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang payo tungkol sa pinansiyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na makakapagbukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasiya ay maglalagay ng sarili sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kaila­ngan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang hakbang na may kinalaman sa pera. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasin­tahan o minamahal. Sa babae, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang kumplikas­yon tungkol sa salapi sa nagdaang araw ay magka­karoon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa ala­nganing sitwasyon. Huwag pansinin ang usapan na walang­ halaga dahil masasangkot sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at blue.   

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magsabi ng tapat at totoo. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawawala ang tiwala ng kapwa. Maaaring may pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day 1, 10, 16, 34 at yellow. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Su­riing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan o mag-ingat sa mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong mangyayari na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtang­gap ng suhestiyon o mungkahing maibibigay ng iba. Hindi tama ang pagwawalang-bahala sa taglay na suliranin. Dapat kumilos kaagad. Lucky numbers  at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with