^

Kutob

Hulyo 19, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Pinagkakatiwalaan ko ang Dios sa lahat ng pagkakataon.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at magenta.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging nakasuporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. May gulong mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 38, 42 at fuchsia.   

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag magdamdam kung sakali hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 33, 41 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maging mahinahon at mapagpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasan ang makapagsalita na ikakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 41 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Nasa magandang pag-uusap na maresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan para maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung nasa kalooban na ayaw nang broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 29, 40 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Marami ang nakakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natatanggap na suwerte o katanyagan dahil babawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Ala­lahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 41 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 33 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga. Lucky numbers at color for the day ay 7, 20, 37, 39 at orange.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Kung ina­­akalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag asahang sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng mala­king pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 36 at beige.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag pa­lawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan nang matagalan. Kailangang paminsan-minsan ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang imik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Isang suli­ranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng mina­mahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroon muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at violet.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with