^

Kutob

Huly 17, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang hindi magagawa ang Dios, kaya sa Kanya mo ituon ang iyong lakas at pag-iisip. Dahil lahat­ ng naisin mo, Siya ang makapagbibigay.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maging praktikal, iayon sa budget kung maghahanda. Ayon sa numerology, magiging unforgettable moment kung kasama ang mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 23, 40 at butter yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung ikaw ay isang employee, maipapamalas mo ngayon ang angking talino at istilo sa trabaho na hahangaan ng boss. Iwasan ang mapasubo sa pakikipagsapalaran at mag-ingat sa mga manloloko at mandarambong. Huwag mangako dahil mahihirapang tuparin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 15, 31, 43 at maroon.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Malaki ang pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig kung ang hangarin ay malinis. Anumang bagay na lumihis noon ay tiyak na manunumbalik sa tamang landas ngayon. Kung panay problema ang dinaranas sa nakaraan, ngayon ka mag-celebrate dahil walang humpay na kaligayahan ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 27 at electric blue.  

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ipagpaliban sa ibang araw kung ano ang mga plano at gagawin ngayon dahil may mga hadlang at tiyak na hindi magtata­gumpay. In another words, makakabuting bigyan ng relaxation ang sarili. Magpahinga o mamasyal para makasagap ng sariwang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 25 at mint green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Paglabanan ang ugaling mapagpuna sa iba dahil ang balik nito ay sampung doble sa sarili. Maging positibo at huwag mag-alinlangan sa anumang gawain at nang makita ang resulta ng tagumpay. Maging totoo sa sarili at sa kapwa para tuluy-tuloy ang daloy ng suwerte sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at lilac.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Masu­werte ka ngayon sa negosyo o hanap-buhay, ma­giging kabaliktaran naman sa larangan ng pag-ibig. Iwasan ang makipag-date, makipagtagpo o pagdalaw sa minamahal dahil tiyak na magkakaroon ng alitan. Kung ikaw ay may asawa, pinansiyal at unawa ang kailangan ng babae dahil magiging mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 35 at oak brown.  

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may lihim na itinatago, malamang na ito ay madiskubre. Huwag matakot na ilantad ang katotohanan lalo na kung ikaw ay nasa katwiran. Kung may nawawalang bagay sa loob ng bahay malamang lilitaw at makikita ito. Iwasan ang maging madaldal. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 40, 42 at silver gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag magpadalus-dalos sa paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Magtanong sa nakakaalam kung hindi tiyak na nauunawaan at naliwanagan. Dalawang mukha ng tao, may maloloko at may manloloko. Iwasan ang maloko. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 34 at gray.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Masusing repa­suhin ang mga importanteng bagay lalo na sa trabaho at baka may makalimutan dahil magiging makakalimutin ka ngayon. Mayroon kang pangako na hindi mo matutupad dahil nakalimutan. Ito ang mga bagay na dapat isaisip ngayon para hindi masira ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 32 at beige.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ibaba at minsan ay nasa itaas. Kung hikahos ang dinaranas, huwag mabahala. Good news dahil nasa tamang landas  ang tinatahak na kaginhawaan kaya ipag-patuloy ang magandang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 42 at pearl

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magbibigay ng magandang suwerte ang pagiging masayahin at pala­ging positibo ang pag-iisip. Depressed? Huwag magmukmok sa isang tabi at isipin ang problema, manapa’y gumalaw at gumawa ng makabuluhang bagay at tiyak kusang darating ang tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 23, 40 at cream.  

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung ano ang mari­rinig na tsismis, huwag patulan dahil masasangkot ka lamang sa gulo. Deadma ka lang sa pamimika at pang-aasar ng iba. Matutuwa ka dahil nasa panig mo ang kaunlaran sa kalagayang pinansiyal. Tumatahak sa tamang landas ang iyong kaunlaran kaya ipagpatuloy ang magandang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 42 at orange.   

 

 

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with