^

Kutob

Hulyo 13, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa pamamagitan ng pag-ibig ng Dios, magagawa kong mahalin ang aking kaaway.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Iiwan mo ang inaakalang hindi makabuluhang gawain. Magiging kumplikado ang situwasyon sa kalakalan kaya ibayong pag-aaral bago magdesisyon ang dapat. Matuto sa mga nakaraang pagkakamali na hindi dapat maulit. Bigyang pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 1, 18, 21, 34 at light orange.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging mainit ang ulo at masalimuot sa problemang taglay. Mababawasan ang suliranin kung kakalmahin ang sariling emosyon. Magiging masigasig ka na baguhin ang mga mali mong ugali sa oras na matauhan. Ayusin ang sigalot ng mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 41 at silver.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Sinasabi ng iyong bituin na dapat sumangguni muna sa mga taong nakakaalam o dalubhasa bago gumawa ng desisyon. Makakalikom ng positibong suhestiyon o impormasyon. Mararamdaman mo ang matinding panghihinayang sa iyong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 35, 45, at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – May hihingi ng iyong payo sa araw na ito. Huwag siyang kunsintihin sa ideya ng pagtalikod sa kanyang responsibilidad o tatakas sa pananagutan. Manghihinayang ka sa isang bagay na hindi nagawang pahalagahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 21, 36 at ultra violet.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May ilang tagahanga ang lalapit sa iyo para igiit ang kanilang hangarin. Mag-ingat sa maganda at mabulaklak nilang pangako dahil lalabas na hindi matutupad. Makakatanggap ng isang malungkot o masayang balita buhat sa malayong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 37, 43 at pale blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mahalagang gampanan ang nabinbing gawain. Walang ibubungang maganda ang ugaling mainipin kaya dapat iwasan. Kapalit ng magaang na trabaho ay lalong kakapusan sa pera. Maging masinop at maagap sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 41 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidaad sa investment kaysa magpaban­dying-bandying at walang gagawin. Ang iyong talento ay malaking puhunan sa ikakaunlad kaya panahon na para magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol at patuloy na binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang paghahanap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng katamlayan sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak sa kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magpaka­totoo ka at kung anuman ang payo ay dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang nakitang kamaliang nagawa. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga sa iyong ikakabuti. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kasasabikan mong makita ang mga taong naging katuwang mo sa iyong tagumpay. May gagawin kang pag-alala sa naging kabutihan nila sa iyo. Pagtuunan ang mga gawain sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 36, 43 at blue violet.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang pinakahihintay ay darating sa araw na ito na hindi inaasahan. Magugulat ka sa dalang balita tungkol sa pamilya. Ikaw ang higit na makikinabang sa balitang matatanggap. Isang masaya at biglaang salu-salo ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 20, 38 at yellow gold.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – May obligasyon kang makakalimutang gampanan sa iyong kamag-anak, pamilya o sarili. Maagap na paliwanag ang kakailanganin para hindi humantong sa malubhang pangyayari. Magiging maromansa ang araw na ito para sa iyo. Lucky  numbers at color for the day ay 7, 17, 27, 37 at light green.

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

COLOR

DAY

IYONG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with