^

Kutob

Abril 25, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng pangangailangan ko ay tinutugon ng Dios ayon sa Kanyang kadakilaan at kayamanan.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang inaakalang tama noon ay mali pala. Kung may suliranin sa nakaraan na hindi nalutas, ngayon magkakaroon ng magandang pagkakataon na ito’y solusyunan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may matutuklasang lihim. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 34 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag pag-aksayahan ng panahon ang walang kuwentang isyu. Okey lang ang iniisip na makipag-komprontasyon para maipahayag at maiparating ang katwiran ngunit gawin ito sa makatuwiran at mahinahong paraan. Ang ina­asahan ay maluwalhati at tahimik na darating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 33, 40 at mustard yellow.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Pakinggan ang suhestiyon ng mga kaibigan. Kung inaakalang makakatulong ito sa sarili. Sundin ang kutob at hindi magkakamali. Isang mahalagang bagay na matagal nang hinahanap ang lilitaw. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 31, 40 at orange.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Hindi maiaalis ang intriga sa trabaho kaya’t huwag na lamang itong pansinin. Kung may taglay na suliranin, tanging ang magulang ang makakatulong sa iyo. Huwag kimkimin ang suliranin o maghinanakit dahil ito ang magiging sanhi ng sakit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 16, 34 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Huwag paniwalaan at patulan ang mga pamimika nang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Huwag mang-agaw o mang-angkin ng hindi mo pag-aari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 30, 34 at white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isaisantabi muna ang sosyalan at harapin ang suliranin nang pamilya o pansarili. Aani ng malaking suporta kung ang ipinaglalaban ay makatarungan at alinsunod sa magandang asal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 36, 43 at emerald green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag isantabi ang problema ng kapatid, kaanak o sariling anak. Ang mga bagay na napabayaan ay mapag-uukulan ng panahon upang maipagpatuloy at matapos. Huwag pakawalan ang magandang pagkakataong dudulog. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 40, 41 at magenta.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Iwasan ang kasamahan dahil isusubo ka sa kapahamakan. Isang kaanak ang nangangailangan ng patnubay subalit dahil sa impluwensya ng barkada ay sadyang ipagwawalang bahala ito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 31, 37 at yellow gold.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ihanda ang sarili at maging matatag. Ang gipit na sitwasyon ay malalampasan kung hahanapan ng tamang solusyon. Magkakaroon ng balakid at hindi ito matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 21, 39 at rust.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magiging malakas ang bugso ng damdamin tungkol sa pag-ibig. Ang pakikipag-date ay inaayunan ng panahon. Malakas ang karisma at magneto ng pagkatao na magagamit sa pakikipag-transaksyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 24, 27 at platinum white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag pilitin ang sarili sa anumang hakbang kung may alinlangan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng tunay na damdamin nang maiwasan ang naka-ambang gulo o makasugat ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 22 at cream.

ARIES ( Marso 21 - Abril 19) – Iwasan ang matuyuan ng pawis lalo sa likod. Maaaring ang kalusugan ay hu­mihingi ng karagdagang pansin at pagpapahalaga. Magpa-check-up sa doctor kung may dinaramdam upang hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 29, 42 at midnight blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with