^

Kutob

Abril 24, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang katwiran ng Dios ang panuntunan ko.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang anumang na­­iwang gawain ay mawawalan ng kabuluhan sa hinaharap. Sikaping ang lahat na nakabinbing gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang kalusu­gan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magiging sensitibo ka sa ilang mga bagay. Maaaring makamtan ngayon ang matagal nang inaasam-asam. Masasaktan ka sa mga salitang maririnig laban sa iyo. Panati­lihin ang hinahon nang makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May matatanggap na hindi inaasahang regalo at sulat. Isang kaibigan ang nangangailangan ng tulong na materyal o payo. Ang kompetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang iyong talino ay malaking puhunan sa ikauunlad kaya panahon na para magamit ito sa makabuluhang bagay. Magandang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment. Huwag pansinin ang mga tumututol at ipagpatuloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang pag-ibig ang siyang magiging gabay sa pagsisikap. Maging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak sa kaunlaran. May panahong maglibang. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 26, 27 at lemon green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang payo ng mga nakatatanda ay mahalaga para sa iyong kabutihan. Huwag maging ipokrito at sundin ang inaakalang tama. Walang magsasalita ng laban sa iyo kung walang nakikitang kamaliang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpakan subalit bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Kung may lalakarin, sa umaga gawin para maging tagumpay. Naaayon ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at apple green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang responsibilidad sa pamilya ang siyang magiging pangunahin kaysa sa sarili. Ang taglay na kasipagan at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para matamo ang kaunlaran. Magkakaroon ng suliranin sa oras, sa pagitan ng trabaho at pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Bigyan ng ekstrang oras ang minamahal na matagal nang nababalewala. Ang mga praktikal na gawain ang siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang kababaan ng sahod ay magbibigay ng katamaran sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at purple.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Iwasan ang magalit at ang mabilis na pag-init ang ulo, na siyang sisira sa iyong araw. Kakailanganin ngayon ang matibay na self-control dahil may susubok sa iyong pagti­timpi. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 20, 21 at brown.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Dapat mag-relax o manood kaya ng sine nang makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 23, 34 at maroon.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang magtanong. Para maging tagumpay sa trabaho, hagilapin ang lahat na detalye at iayon sa sarili. May pagkakataong sumasalungat ka sa iba at igigiit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with