^

Kutob

Abril 23, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kalakasang mula sa Dios ang proteksiyon ko laban sa anumang anyo ng tukso.

 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May pagkakataon ang tahanan ay mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kaila­ngan ng walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at gold.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Huwag magmadali hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawing pagbabago ngunit mahihirapan ka na magpaliwanag sa kaparehas o sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil walang ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil mara­ming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Bad news, mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magandang balita dahil magiging malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak ng kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag ma­galit sa anumang payo na maririnig, pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at silver.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mag-relax o mamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip, kaya iwasan ang maging pikon at madaling pag-iinit ng ulo. Huwag maglasing at magsugal, iwasan ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na pagbiyahe, dapat ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama, panalangin ang kailangan para magkaroon ng tamang guidance. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa damayan. Maganda ang balita dahil magi­ging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa mood at kasiglahan ka at handang harapin ang ano man. Magi­ging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita, isa lamang ang dahilan dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Alam mong tama ka, pero lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang suliranin dahil may kalutasan ito kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magandang balita dahil magtatagumpay ka sa nilalakad at magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang matatanggap. Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with