^

Kutob

Abril 9, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Huwag hayaang gamitin ang pagkaka­ibigan para sa sariling interes, maging matalino. Ang tunay na kaibigan, hindi naghahanap ng kahit anong kapalit sa pagtulong.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag pakialaman kung ano ang gawain ng minamahal. Dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan. Ang pagpaparaya ay hindi pagbabalewala kundi pag­papakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mag-alala, ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging sobra ang layaw sa paggastos. Mag-budget para may maitabing pera dahil tiyak na may pagka­kagastusan. Mabuting laging may naitatagong pera, sakaling kailangan may magagamit. Magtipid. Simulan ang magse-save. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Matitikman ang sarap ng tagumpay na malamang ngayon matamo. Unti-unting makikilala ka sa kinabibilangang grupo. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman sa gawa, hindi sa salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan  ang maging dahilan ng sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid nang dahil sa iyo. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ikasira. Bawat kilos, tiyakin na nasa panig ang ikakasaya at kapakanan ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag pakialaman ang nagpapakita ng paghanga. Iwasan ang pumutok ang butsi sa ginagawa ng iba. Panatilihin ang pagpapakumbaba. Huwag magpakita ng kayaba­ngan. Iwasan ang mainggit. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag mag-alinlangan, gawin ang binabalak. Kung itutuloy ang plano, may positibong resulta. Ang magbaka­sakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Kung may lakad, gawin sa umaga. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa gustong malaman, kausapin ng masinsinan nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang pagi­ging ma­pagbigay at maalalahanin ang tanging pa­raan para mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may suliranin sa pag-ibig, makakahanap ng tamang paraan na matugunan kung pagsisikapan. Iwasan ang maging masu­ngit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para makatiyak na maganda ang impresyon ng kapwa. Baguhin ang masamang ugali para makuha ang atensiyon ng kapwa. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 40 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag magdesiyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali kung mahalagang bagay ang sangkot. Anumang desisyon ang ginawa, dapat panindigan maging mali o tama. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung lito at hindi alam ang dapat gawin, hingin ang payo ng iyong mga magulang. Kung may duda, huwag ituloy dahil kapahamakan ang mapapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang balitang mata­tanggap ay maaaring may kinalaman sa trabaho, pinan­siyal o pag-ibig. Huwag hayaang makaapekto sa sarili ang balita. Mareresulba ang suliranin dahil nasa tabi lamang ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at maroon.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with