^

Kutob

Abril 8, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Pag-ibig ang dahilan ng lahat ng mabu­buting­ bagay sa buhay ko. Salamat sa Dios na pinagmumulan nito.

ARIES (Marso 21 -Abril 19) – Anuman ang nilalakad o lalakarin ngayon ay may magandang re­sulta. Maipagmamalaki mo ngayon ang resulta ng ginagawa tungkol sa proyekto o gawain tungkol sa propesyon­. Kung hindi magbabago ang takbo ng mga plano, nasa tamang landas ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 22, 38 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung magiging posi­tibo, maipapamalas ang kakayahan sa ginagawa o gawain sa trabaho. Subalit kung negatibo ang iniisip, daranasin ang kapalpakan sa ginagawa. Nasa pagitan ka ngayon ng pagkakamali at tama. Pag-isipan muna ng mabuti ang anumang bagay bago simulan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 26, 33 at green.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magiging mahina ang bandang ibaba sa parte ng katawan kaya mag-ingat at iwasan ang magbuhat ng mabigat na bagay. Mag-ingat sa paglalakad at baka matalisod o matapilok. Kung may date o may katatagpuin, huwag ituloy dahil may kapalpakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 29, 40 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magandang araw tungkol sa pananalapi. Maunlad ang negosyo. Malamang makapagsara ng kontrata. Iiral ang pagkatamad kaya dapat paglabanan para hindi layuan ng biyaya. Kung papalarin, matutupad ang matagal nang ipinangako. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 37, 42 at fuschia.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung kapisan o may kapisan sa tahanan, ang banta ng hindi pagkakaunawaan ay mangyayari kung paiiralin ang init ng ulo. Para maiwa­san ang gulo sa loob ng tahanan, maging kalma at maunawain. Kung masasangkot sa gulo, hahantong ng pangmatagalan ang hindi pag-iimikan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 41 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Walang dapat alalahanin dahil magiging mapayapa ang kapaligiran, sa tahanan at trabaho. Kaya lang tatambakan ka naman ng maraming gawain. Kung tututukan ang gawain, matatapos ng matiwasay ngunit ang kapalit ay panglalata ng katawan dahil sa pagod. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 20, 39 at white o ivory.

LIBRA (Setyembre  24 - Oktubre 23) – Kung nag-a-apply o nagpapa-follow-up ng aplikasyon sa trabaho, nga­yong umaga lakarin para matanggap kung ayon sa kuwalipikasyon ang kailangan. Kung may trabaho, mag-ingat dahil may kasamahan na naghahangad ng iyong puwesto o katungkulan. Maging alerto at mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ay 7, 29, 25, 36 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung may negosyo, magiging magaan ang pasok ng pera pero mag-ingat sa magnanakaw, shop-lifter o hold-uppers. May bantang mawalan kaya huwag tatanga-tanga. Kailangan mag-ingat lalo na sa mga taong may binabantayan. Maging alerto at mapagmasid at baka masalisihan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 33, 43 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Sa mga ga-graduate, ngayon ang tamang panahon sa pagdedesisyon kung anong kurso ang ipagpapa­tuloy. Kung kaya ang kursong napili, ituloy. Pero kung hindi kayang matustusan, ang second choice ang ipagpatuloy. Huwag pilitin ang mga magulang sa gusto na hindi makakaya. Huwag magtampo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 19, 31 at magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung hindi babaguhin ang magandang plano sa ikakaunlad, nasa tamang landas ka. Sa mga walang plano tungkol sa kaunlaran, ngayon simulan at tiyak may patutunguhan. Isang Scorpio ang makakatulong sa iyo ngayon. Iwasan pansamantala ang Leo o Taurus dahil magbibigay ito ng problema. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 17, 25 at blue.  

AQUARIUS ( Enero 20 - Pebrero 18) – Iiral ang iyong kayabangan at kung hindi ito susugpuin, makakaharap ng katapat. Pagsisimulan ng gulo o hindi pagkakaunawaan ang pagkamayabang kaya mag-ingat sa pagsasalita. Huwag patulan kung may magyayabang dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 23, 33 at cream.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Nasa tamang landas ang iyong kaunlaran ngunit wala sa tamang paraan ang iyong budyet sa gastusin. Simulan ang pagtitipid at mahusay na pagba-budget para masimulan ang magandang plano na kailangan ng capital. Nasa sariling pagkakamali kung kapos sa pangangailangan.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with