^

Kutob

Abril 7, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipagpapasalamat ko ang kalakasan, ang karunungan at ang pag-ibig na kaloob ng Dios sa buong araw.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ikaw at walang iba ang makakalutas ng sariling suliranin. Wala kang tulong na maaasahan kahit kanino. Sariling sikap ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 38 at orange.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag mangarap ng gising. Magpakatotoo. Iwasan ang pagkamayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Mag-ingat dahil ang tinatago ay malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 23, 42 at garnet red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Kung may duda, hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam bago umaksiyon. Huwag gumawa ng isang bagay na hindi tiyak ang resulta o kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 28, 32, 45 at magenta.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magiging mabilis ang pangyayari, malalaman na lang na mahuhulog na ang kalooban sa malapit na kaibigan. Huwag basta magtiwala. Walang masama at walang mawawala kung tutuklasin muna ang isang bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 32, 38 at white.

LEO  (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang selos ay kakambal ng pag-ibig pero kung labis, gulo ang kahahantungan. Pag-usapan ng mahinahon ang problema at tiyak may magandang solusyon na mararating. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 33, 45 at green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag gawin ang bagay na akala ay hindi matatanggap ng iba. Magiging kabaligtaran ang mangyayari. Ang akalang mali ay magiging tama at ang tama ay magi­ging mali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 23, 40 at beige.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Taliwas sa inaasahan, magiging malungkot ang araw dahil sa kawalan ng makakausap sa problemang nagpapagulo sa isip. Kung ang problema ay tungkol sa pag-ibig, huwag dibdibin nasa landas ang tunay na pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 34, 40 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Dahil sa pangu­ngulit ng kaibigan, mapipilitan kang sumama sa lakaran, ngunit pang­hihinayangan dahil makikilala ang matagal nang hinahangad. Ngayon mapapatunayan na may kaibigan na nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 33, 41 at gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Hindi lahat ng makakausap ay madadaan sa karisma. May makaka­tagpong higit pa sa sakit ng ulo ang idudulot sa iyo. Magpasensiya at magparaya para iwasan ang hindi kanais-nais na situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 32, 43 at lilac.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maging tapat sa minamahal. Iwasan ang bawal na pag-ibig na may pananagutan na sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 33, 41 at pearl white.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Huwag maging emosyonal kung may problema dahil ang solusyon ay nasa tabi lamang kung pagsisikapang hanapin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 36 at electric blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang maglasing para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Kung makaka­sagupa ng taong arogante o mainit ang ulo, pairalin ang pagkakalma. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 19, 39 at jade green.

 

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with