^

Kutob

Disyembre 27, 2013

Madam Rosa - The Philippine Star

Pagtitibay: Hindi sa kalakasan, kundi ang sino mang rumirespeto at umaasa sa Kanya ang kaluguran ng Dios. Sikapin na laging makasunod sa Kanya.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –May magtatraydor kaya mag-ingat. Ngayon mo matitiyak at malalaman ang tunay na kaibigan. Huwag magsisi, manapa’y magpasalamat sa matutuklasan. Lucky numbers at color for the day 12, 25, 37, 42 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Habaan ang pasensya. Mainit man ang ulo, tiyakin na kontrolado ang sarili at emosyon. Mag-ingat dahil malamang masigawan mo ang kasam-bahay o kasamahan. Tiyakin na hindi makapagsasalita ng hindi maganda dahil sa iyong galit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan ang mga makulit dahil sisirain ang iyong magandang mood sa buong araw. Kahihiligan kang asarin  kaya maging handa. Huwag hayaan na maapektuhan ka ng biro dahil ikaw ang talo. Makisayaw sa tugtog hangga’t maaari. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung gustong matapos ang gawain, kahit ang iba ay magtatamad-tamaran, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ay ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak, kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mag-ingat sa bibitiwang salita. Baka hindi sinasadya ay makasakit ng damdamin ng kapwa. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita ngayon. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mapagtatanto ang problema sa relasyon, kung patuloy na magbubulag-bulagan at mananahimik, walang matatamong solusyon. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang tao ang aakit ng iyong atensiyon. Bago mahulog ng lubusan ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinangga­lingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang mapagkunwari. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 29, 41 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang makagawa ng bagay na ikakasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensya sa kasambahay at kasamahan. Maaa­ring may magtampo o magkaroon ng hinanakit sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at violet.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mananatili ang mataas na pagtingin sa kapwa. Tingnan ang magkabilang panig bago gumawa ng konklusyon. Tiyakin ang desisyon ay naaayon sa dikta ng sarili at hindi dahil sa utos ng iba. Panindigan kung anong ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Mahirap kang maunawaan ngayon dahil hindi ka makikinig sa iba. Kung gustong malayo sa hindi pagkakaunawaan, maging mahinahon at makinig sa katuwiran o paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Gawin ang bagay na kailangan matapos. Ipahuli ang ibang maaaring makapaghintay. Mara­ming nakatambak na gawain subalit hindi kailangang mataranta. Gawin ang mga bagay na parang naglalaro at tiyak walang pagod at kasiyahan ang madarama sa matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

vuukle comment

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with