^

Kutob

Disyembre 15, 2013

Madam Rosa - The Philippine Star

Pagtitibay: Taglayin ang pusong mapagpasalamat sa bawat matatanggap na regalo mula sa kaninuman.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Walang problema sa pera. Maayos din ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mapapalapit ng husto sa isa’t isa kung malalaman ang nilalaman ng inyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at golden brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maraming gagawin pero kailangan na rin ang pahinga. Hindi makakabuti kung magpapatuloy sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. Medyo may kaunti lamang na hindi pagkakaunawaang namumuo sa tahanan pero hindi naman direktang kasali. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malamang isang kaibigan ang magyayayang umuwi sa kanilang probinsiya at nais na ikaw ang isama. Anuman ang gagawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi maiiwasan ang argumento pero maiiwasan ang mapaaway. Huwag na lamang patulan ang mga argumentong nagsisimula lamang sa simpleng hindi pagkakaintindihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para sa pagkakamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin na ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Mag-ingat sa mga ginagawa. Tiyaking hindi ito labag sa kagandahang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33, at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang napakagandang balita ang darating sa iyo na halos ipamalita ito sa lahat ng maaaring pagsabihan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at gold.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) –Gulung-gulo ka na sa kaiisip kung ano ba ang dapat gawin sa relasyong napasukan. Walang masama kung putulin ito hangga’t maaga. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang proyekto ang hahamon sa iyong ta­lento. Kapag natapos ito, maaaring ang kikitain ay makadaragdag sa iyong aspetong pinansyal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tuluyan nang mawawala sa iyo ang minamahal at hindi maiiwasang sisihin ang sarili. Kung sana ay napahalagahan mo siya, hindi ito mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with