PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mayo 31, 2002

GEMINI (May. 21-Hun. 21) – Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Maging tapat sa sarili at iwasan maging magagalitin. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-17-32 at white.


CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Mahalagang mag-relax upang gumaan ang isipan at kalooban. Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan ang argumento upang hindi mapaaway o magkaroon ng kagalit dahil magiging maikli ang pasensya mo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 15-28-35-44 at lime green.


LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Magiging maganda ang epekto ng pakikipagkasundo sa matagal nang nakagalit. Dahil taglay ngayon ang mataas na antas ng karisma, madaling makaunawa at kabigha-bighani kang kausap. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-26-29 at royal blue.


VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Tama ang desisyong tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Magiging abala sa pag-aayos ng tahanan at ito ang magbibigay sa iyo ng kasiyahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 15-19-26-34 at milk white.


LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Tutuwirin nila ang kanilang pagkakamali sa oras na malamang tama ka. Matutupad at maibibigay ang naipangako. Iwasan ang makasakit sa damdamin ng kapwa at maging madaldal. Lucky numbers at color for the day ang 3-16-28-34 at golden brown.


SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang taglay na munting problema ay maaaring lumaki sa paglipas ng mga araw kung hindi mahahanapan ng solusyon ngayon. Iwasan ang biglaang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 17-24-30-37 at jade green.


SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Upang manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Magiging taliwas sa inaasahan ang pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama ng pagiging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 12-24-36-44 at lilac.


CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Matutukso sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa inaasahan. Sa ginagawang pagbale-wala sa kalusugan, ngayon ang paniningil ng pang-aabuso at pagpapabaya rito. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-16-25 at sky blue.


AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakang nagawa at isiping isang aral sa pagtutuwid ng mga pagkakamali. Hindi maaapektuhan ang mga plano na magdulot ng mabuting resulta kung iiwasan ang mag-init ang ulo at maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 5-23-38-44 at apple green.


PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ang talinong taglay ay pagkakakitaan nang husto kaysa sa kasalukuyang trabaho. May taglay na kakaibang talino na dapat pag-ukulan ng panahon na ma-develop. Maging matatag ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 9-21-35-43 at silver.


ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Pinapayong huwag ngayon mangutang at mahihirapan lamang sa pagbabayad. Makabubuting pakiramdaman at sundin ang idinidikta ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 4-24-27-36 at beige.


TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Sikaping mabuksan ang komunikasyon ng isang nakaligtaang kaibigan at may naghihintay na biyaya. Magiging masigla at masayahin ka sa araw na ito. Marami ang matatapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 7-23-36-41 at ocean blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: