PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hunyo 2, 2001

imageGEMINI (May. 21-Hun. 21) – Magkahalong pagkayamot at katuwaan ang magaganap. Lawakan ang pang-unawa sa mga tao o kasamahan na mapagbiro at alaskador. Iwasan ang pakikihalubilo sa mga tsismosa. Matutuwa sa balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9-17-33-39 at jade green.


CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Kung may dapat iwasan, ito'y walang iba kundi ang mga barkadang mahihilig sa happenings. Gamitan ng matalinong pag-iisip at pagpaplano ang lahat ng bagay nang maiwasan ang pagkakamali. Iwasan ang magkaroon ng tensyon. Lucky numbers at color for the day ang 1-34-40-41 at chestnut brown.


LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Mahaba ang magiging impluwensya sa iyong personal na hangarin ngayon. Laging maging alerto upang maiwasan ang anumang hindi magandang magaganap. May kabagalan ang pasok ng pera sa negosyo. Magkakaroon ng alitan ng minamahal dahil sa selos. Mag-ingat sa kagat ng hayop. Lucky numbers at color for the day ang 10-28-30-42 at honey yellow.


VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Masistemang pagpaplano at maayos na pamamaraan ang kailangang pairalin sa pagsasagawa ng mga obligasyon sa pinapasukan o sariling gawain. Humingi ng payo sa mga nakakatanda upang maaksyunan nang tama ang suliranin. Matutupad ngayon ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ang 5-16-27-30 at magenta.


LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Huwag mahiyang magtanong sa mga eksperto upang maiwasan ang mga pagkakamali. Hindi maiiwasan ang pagseselos ng minamahal. Masasangkot sa isang intriga. Lucky numbers at color for the day ang 8-23-34-35 at old rose.


SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Anumang oras ay darating ang magandang balitang hinihintay. Iwasan ang padalus-dalos na pagkilos at pananalita. Magiging pangunahin ngayon ang kapakanan ng pamilya. Lumayo sa intrigang nakaamba tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-36-40 at orchid violet.


SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Sa pinansyal ay mananatiling matatag ang kalagayang pananalapi. Ang tanging magiging problema ay ang kawalan ng pagkakaisa at pagtitiwala. Ang binabalak na pagdalo sa isang sosyalan ay maaaring pagmulan ng magandang oportunidad. Lucky numbers at color for the day ang 7-21-31-41 at cardinal red.


CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Panahon ngayon na kahit pansamantala ay kailangang iwaglit sa isipan ang mga pansariling interes. Kung may matibay na ebidensya, ituloy ang balak na pakikipagkomprontasyon. Laanan ng panahon ang pamilya at mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-34-39-42 at bark brown.


AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magbubunga ng malaking pakinabang ang pagiging inspirado at mahusay sa diskarte. May magbibigay ng magandang alok sa negosyo. Sa kabuuan, masuwerte ang araw tungkol sa pera. Mahalaga ang payo at karanasan ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 3-18-29-39 at royal blue.


PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Tama ang panahon at pagkakataon ngayon pagdating sa romansa. Magiging makatuwiran ang pagsunod sa dikta ng puso. Magiging sensitibo at maramdamin ang minamahal kaya pasensya at pagbibigay ang dapat gawin. Iwasan ang magalit at ipairal ang pagkamahinahon at mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ang 4-14-20-40 at khaki.


ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Bigyang-halaga ang pakikipagtagpo sa isang kaibigan na siyang makakapagpabago sa takbo ng kasalukuyang hanapbuhay. Ibuhos ang lahat ng kakayahan at konsentrasyon sa ginagawa nang maiwasan ang anumang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 6-10-36-41 at peacock blue.


TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– May pagkakataong makasalamuha ang mga taong hinahangaan at iniidolo. Mag-iiba ang agos sa aspetong pinansyal bunga ng biglaang pagbabago sa negosyo o hanapbuhay. Baguhin ang maling pananaw o plano sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-25-39-40 at dollar green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: