^

Kutob

Kutob - Oktubre 29, 2000

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) -- May gusto kang ipakilala sa iyong pamilya. Hindi man umeksakto sa iyong inaasahang pagtanggap nila sa kanya, huwag kang padadala sa opinyon nila. Ang importante ay kung ano ang magaan sa pakiramdam mo. Lucky numbers at color for the day ang 1-10-14-23 at red.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Nasa daan ka ng tagumpay. Maging matalino ngayon higit kailanman. Maunlad ang takbo ng negosyo. Masaya at makulay ang buhay-sosyal. Lucky numbers at color for the day ang 9-10-12-19 at blue violet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Mahusay ang araw na ito para maisakatuparan ang mga plano mo. Isang mapalad na transaksyon ang iyong maisusulong ngayon. Huwag patatangay sa kaway ng karangyaan. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-14-35 at jade green.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Hindi ito pabor para sa isang pinansyal na negosasyon. Mag-ingat. May isang may pagkakautang sa iyo ang hindi makababayad sa takdang araw. Masuwerteng araw para sa paghahanap ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-19-27 at green.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- May mga guguling kakaharapin. Magiging mabunga at nakalilibang ang buhay-sosyal. Ingatan ngayon ang iyong mga paa. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-17-18 at turquoise.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- May hatid ng kaligayahan ang araw. Ang minamahal ay totoong maunawain at mapagmahal. Lucky numbers at color for the day ang 4-3-5-35 at orange.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Sikaping mamalagi ang pag-uunawaan sa loob ng tahanan at maging sa pinapasukang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 7-12-19-28 at carnation pink.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Sa iyo mahalagang manggaling ang unang hakbang sa ikalulutas ng isang problema. Nararapat lamang na patawarin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-13-15 at purple.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Tumulong sa may mga problema. Nasa malapit na hinaharap ang iyong mga gantimpala. Ang anumang klase ng pag-aaral ay maaring makatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-13-28 at pink.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ang matibay na pananalig sa Diyos ang magdudulot ng maligaya at maunlad na buhay. Laging maglaan ng mapamaraang sistema sa pagpapahayag ng kritisismo. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-11-12 at white.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Maraming tao ang umaasa sa iyo kaya’t pagbutihing maigi ang pakikitungo. Maging mapagkumbaba sa mga kasama sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4-7-11-17 at yellow.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Malulutas ngayon ang isang bagay na malimit gumulo sa isipan. Mapapabuti sa payo ng isang nakatatandang kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-7-21 at old rose.

vuukle comment

COLOR

DAY

DIYOS

HUL

HUWAG

INGATAN

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with