^

Kutob

Kutob - Oktubre 28, 2000

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) -- Sa anumang paraan ay dapat na iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Huwag katakutan ang intriga. Kumilos nang maaga ng hindi gahulin sa panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4-6-9-19 at gold.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Dapat ilagay sa ayos ang paggugol. Gayunman, may pagkakataong maragdagan ang kinikita. Ang patuloy na pag-iingat sa salapi ay magdudulot ng ibayong kaluwagan. Lucky numbers at color for the day ang 2-9-11-39 at green.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Hawakang mabuti ang pitaka kung nasa lugar na maraming tao. Ang mga lakarang pandibersyon ay iyong makakagiliwan. Kapansin-pansin ang iyong kasipagan sa trabaho. May gantimapalang nakalaan dito. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-18-27 at blue haze.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Ang iyong relasyon ay nagbibigay inspirasyon sa iyo. Pabor ang araw na maglakbay kasama ang mahal mo. Lucky numbers at color for the day ang 8-10-14-41 at lavander.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Iwasan ang hindi kapaki-pakinabang na pakikipag-ugnayan sa malayo. Walang gaanong kawilihan ang daloy ng mga pangyayari sa araw na ito bagamat payapa at masaya ang araw. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-12-33 at mango yellow.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Suriing mabuti ang anumang payo na magmumula sa mga kaibigan. Iwasan ang labis na kapaguran sa paggawa. Ang nakaraang hilahil sa pag-ibig ay mababawi na. Maganda ang daloy ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-9-29 at pink.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Maganda ang layunin sa pamilya. Huwaran ka sa maipagmamalaki ng iyong pamilya. Maganda at makulay ang araw sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3-8-5-26 at maroon.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Magiging matibay ang puso sa dumarating na pagsubok. Mapayapa ang araw at walang gaanong kaabalahan. May mga pagkakataong hindi dapat sayangin. Lucky numbers at color for the day ang 4-13-18-31 at peach.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- May mga kaibigang tutulong sa iyong kagipitan kung iyong lalapitan. Ang labis na pag-aalala ay makakasama sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-14-40 at orange.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ang malalapit na kaanak ay tunay na maaasahan ngayon. Maganda ang palatandaan sa pakikisalamuha sa lipunan. Ang maidudulot ng pagsisikap ay ang matatanggap na kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 2-10-36-41 at brown.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- May mga pagkakataong hindi dapat pabayaan. Maganda ang palatandaan sa pakikisalamuha sa lipunan. Patungo sa pagbuti ang katayuang pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 3-6-20-33 at pink.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Paglabanan ang tendensyang maging palapintas sa ibang tao. Sa loob ng tahanan at maging sa trabaho ay makakatagpo ka ng kasalungat. Naririyan ang iyong magiging problema. Lucky numbers at color for the day ang 8-13-14-33 at fuschia.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

IWASAN

IYONG

LUCKY

MAGANDA

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with