^

Kutob

Kutob - Oktubre 27, 2000

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) -- Maipakikilala ngayon ang kakayahan at kaalaman sa mga gawain. Ang panahon ay umaayon sa mga binabalak. Magiging matalinong hakbang ang pansamantalang paglayo sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1-6-10-13 at peach.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Huwag kang malilito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Sundin mo kung alin ang karapat-dapat. Maging matatag sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 1-7-17-31 at yellow.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Isa ito sa mga araw na pag-iisipan mo nang malalim. May mga guguling dapat kaharapin sa linggong ito. Magiging mahirap ang gagawing pagtitipid ngunit pagkatapos nito, ang buhay ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ang 2-5-13-16 at flame red.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Matutong maging kuntento sa biyayang tinatangap mula sa Diyos. Mabunga ang araw sa pagtitipon patungkol sa kalakal. Lucky numbers at color for the day ang 1-4-5-12 at turquoise.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Mag-ingat laban sa mga pagkakamali. Masisiyahan ka na bumili ng mga kasangpakan. Maaari mong imbitahin sa bahay ang ilang piling kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-17-35 at emerald green.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Huwag pakaisipin ang isang pangyayari na hindi agad nalulunasan. Ilang hakbang na lang at makakamtan na ang iyong pangarap. Magkakagalit kayo ng minamahal dahil sa isang pinoproblemang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-15-22 at jade green.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Makatatanggap ng mahalagang balita. Ang payong pinansyal kung nais mong isaalang-alang ay dapat pag-aralan ng mabuti. Lalawak ang kaalaman sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 2-3-6-8 at navy blue.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Ang paglilibang ay kanais-nais at may bahagi ang isang masayang romansa. Pakinggan ang kutob ng sariling kalooban. Ang anumang bagay na pinag-aalinlanganan ay talikdan. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-7-18 at red.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Makapagdudulot ng bagabag ang maliliit na bagay na hindi naisasaayos. Maging bukas ang iyong isipan. Mapayapa ang araw. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-13-20 at orange.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Iwasan ang mayamot at tamarin. Iwasan ding bitiwan ang iyong salapi sa ngalan ng pagtitiwala. Ang hinaharap ay huwag iasa sa pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-10-18 at mint green.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Ang relasyong pampamilya ay magiging matatag at maligaya. May pagkamaramdamin sa mga kaibigan ngayong araw. Kailangan ang malawak na pang-unawa at pagiging magiliwin sa mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3-11-12-20 at cherry red.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Ang pagkakaloob ng serbisyo o tulong sa iba ay magiging kapaki-pakinabang. May isang lihim na nagtatangi sa iyo. Isang malaking hamon ang magaganap sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-9-17 at carnation pink.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with