^

Kutob

Kutob - Oktubre 25, 2000

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) -- Higit mong maipakikilala ang iyong katapatan sa pamamagitan ng aksyon at hindi ng salita. Nakatuon ang paningin ng lahat sa iyo. Kawili-wili ang araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-8-18 at old rose.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Pag-isipang mabuti ang implikasyon ng mga bagay na nakikita. Pag-aralan bago magpasya upang hindi magkamali at magsisi. Ang araw na ito ay makapagbibigay ng mga gantimpala. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-8-19 at violet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Ibibigay ng iyong magulang ang iyong hinihiling. Kung nais mong maging mapayapa ang iyong buhay, matuto kang makibagay. Huwag masyadong seryoso. Lucky numbers at color for the day ang 9-5-0-2 at royal blue.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Iwasan ang mga kaibigang maluluho sa paggasta. Napupuno ng kaligayahan ang puso ng bawat isa sa pamilya. Ang bagay na ito ang magiging tulay upang marating ang itaas. Lucky numbers at color for the day ang 1-8-10-19 at ice blue.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Huwag bibiguin ang minamahal sa kanyang inaasam lalo sa iyong mga ipinangako sa kanya. Ang kasipagan at pagtitiyaga mo sa trabaho ay nagpapahanga sa mga nakakasaksi. Lucky numbers at color for the day ang 5-6-19-23 at sky blue.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Magagampanan ng buong husay ang mga gawaing nakalaan sa araw at matutugunan ang ilang pangangailangan. Malulutas ang ilang bagay na gumugulo sa iyong isipan. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-6-9-12 at yellow.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Kanais-nais ang patuloy na pagpapakumbaba at pagkamahinahon. Iwasan ang mga taong ngayon lamang nakilala. Ang pagtitiwa ay di dapat ipagkaloob. Kailangang magsuri muna. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-5-8 at lavander.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Isang mapakinabang na transaksyon ang papasok ngayon. Iwasan ang lumahok sa pagtatalo. Hindi mabibigo ang tipanan sa pag-ibig. Iwasan ang kaibigang hindi tapat sa pakikisama. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-8-9 at tangerine.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Ang mga aktibidad na panlipunan ay maaaring makapagbukas ng magandang pagkakataon. Kasiya-siya ang pakikihalubilo sa mga kaanak. Huwag mapikon sa mga biru-biruan. Lucky numbers at color for the day ang 2-5-8-10 at peach.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Pakinggan ang kutob ng kalooban sa pagpapasya ng anumang bagay. Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pangako. Mabibigyan ng kasiyahan ang mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-8-10 at garnet red.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Hindi inaasahang pangyayari ang makapagpapabago sa mga binabalak. Iwasan ang marangyang paggugol. May makulay at kanais-nais na romansa at ang araw ay may hatid na inspirasyon sa buhay. Pag-ukulan ng panahon ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-8-20 at scarlet.

LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Maluwag ang araw na maiuukol sa mga gawaing may kaugnayan sa palakasan. Hindi gaanong mabagabag ang araw. Higit na mahalaga ngayon ang iyong matalinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-8-9 at pink.

vuukle comment

COLOR

DAY

HIGIT

HUL

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with