^

Kutob

Kutob - Oktubre 23, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Ang posibilidad ng paglalakbay ay makatutulong sa trabaho. May pag-asang tumanggap ng promosyon. May babalang pag-ingatan ang transaksyon. Maaaring makatagpo ng mga taong talusira sa usapan. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-2-21 at gold.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Ang pag-iingat sa sasakyan ay isang pangangailangan. May hadlang na darating sa trabaho ang maaaring magbigay ng lumbay sa iyo. Huwag ibaling sa mahal sa buhay ang mga problemang ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-4-2-39 at yellow.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Ang pinakahihintay na kasagutan mula sa kaibigan sa panulat ay matatanggap mo na. May dapat kang gawin pagkatapos. Kung sa iyong gagawin ay may kaakibat na paghihiganti ay hindi ka magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1-7-8-38 at peach.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Magkakaroon ng di-pagkakaunawaan ang mag-asawa. Pabor ang mga balak ay mailagay sa aktibidad. Pamalagiin ang hinahon sa paggawa. Maaktibidad ang mga gawaing panlipunan. Lucky numbers at color for the day ang 8-3-7-37 at pink.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Posible ang magandang balita na magbubuhat sa malayo. May posibilidad ang mabuting kapalaran sa personal na hangarin. Bigyan ng pansin ang maliliit na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5-0-7-11 at blue.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Alagaang mabuti ang iyong kalusugan. Sagabal sa araw na ito ang pagiging maramdamin. Mag-ingat sa mga pakanang gagawin ng mga kasamahan sa trabaho. Isusubo ka nila sa kapahamakan kung kakagat sa pain. Lucky numbers at color for the day ang 5-6-2-22 at green.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Nasa pagdadala ng sarili ang iyong sikreto. May hihilingin ang mahal sa buhay at buong pusong pagbibigyan siya. Maging mapagmasid. Lucky numbers at color for the day ang 7-6-5-35 at lavander.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Taasan ang antas ng iyong pag-asa at huwag makakalimot na manalangin sa Diyos. Panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon lalo na sa iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-8-35 at green.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Ang matagal nang hinahangad na gawain ngayon ay matutupad na. Magalak dahil magkakaroon ka ngayon ng libreng oras na magagamit para maglibang. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-6-39 at garnet red.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Mag-ingat sa mga batang isasama sa pamamasyal. Maaaring malinlang ka nila sa mga lugar na ayaw mong puntahan. Sundin ang payo ng magulang. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-1-12 at pink.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Maligaya ang panahong maiuukol sa romansa. Isang mahalagang desisyon ang gagawin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4-3-0-23 at fuschia.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Akay ka ng mabuting kapalaran ngayon. Huwag panghinaan ng kalooban. Maging matatag sa mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 7-2-1-22 at violet.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with