^

Kutob

Kutob - Oktubre 20, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- May hidwaang magaganap sa ilang kasamahan sa trabaho. Umiwas na masangkot sa gulo. Gawin ang sa inaakala mo ay makabubuti para sa lahat. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-7-29 at dollar green.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Hindi magiging maganda ang araw na ito kung papatulan mo ang mga taong humahamon sa iyo. Titigil din sila basta huwag na lamang silang pansinin. Lucky numbers at color for the day ang 2-9-8-20 at citrine yellow.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Ang araw ay iuukol sa mga gawaing makasisiya sa iyo. Payapa ang buong paligid. May pakinabang na pinansyal. Saklaw nito ang magandang kapalaran sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 4-0-8-38 at scarlet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Huwag pag-aksayahan ang mga usaping walang kabuluhan o walang kahihinatnan. Mag-aaksaya ka lamang ng panahon. May mga gawain na dapat pagtuunan ng pansin upang matapos na ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-0-12 at rust.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Ang pamilya ay pangunahin sa araw na ito. Huwag padala sa magaganda at matatamis na salita. Naglipana ang mapagsamantala at dapat kang mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-9-17 at orange.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Mapalad kang tao pagdating sa kaibigan. Matapat at mapagkakatiwalaan ang matalik na kaibigan. Huwag mag-usap ng kung anu-ano at makasisira lamang ng iyong araw. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-8-34 at turquoise.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Huwag nang mag-abalang istimahin ang isang kaibigan dahil ibig niyang yayain ka sa labas at doon magkausap. Kailangang mamayani ang kahinahunan at pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 2-4-7-19 at pink.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Maaaring mabigyan ng solusyon ang isang matagal nang problema sa araw na ito. Iwasan ang gumawa ng mga bagay na lihim. Huwag ipagwalambahala ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 2-0-4-40 at orange.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Mapagtitibay ang sirkulo ng pakikipagkapwa. Ang romansa ay kasiya-siya at makulay. Hindi makabubuti ang makipagtalo sa isang kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 3-1-2-23 at pink.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Magiliw at maunawain ang pinakamamahal. Maging matapat sa iyong layunin. Isang daitng kamag-aral ang magiging kontak mo sa isang transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 8-2-0-30 at grass green.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Malakas ang ganyak ng pakikipagsapalaran kaya’t kailangan ang ibayong pag-iingat. Huwag makakalimot tumawag sa Diyos. Pairalin ang kahinahunan at wastong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 1-8-0-30 at turquoise.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Ang pinakamamahal ay mapagbigay at malambing. Mag-ingat sa mga pagsubok na darating sa buhay. Ang iyong ginagawa ay paghahanda sa kinabukasan. Ang mga kapitbahay ay makakasundo. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-3-22 at electric blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

DIYOS

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with