^

Kutob

Kutob - Oktubre 18, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Mapapatatag ang kalagayang pinansyal. Ang relasyon ng mag-asawa ay mapagtitibay at sa mga walang pananagutan, ang pag-ibig ay magiging makulay. Lucky numbers at color for the day ang 7-8-1-15 at pink.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Malaki ang iyong maitutulong sa pagsulong ng mga proyekto. Pag-ingatan ang iyong paggastos. Lucky numbers at color for the day ang 1-7-0-16 at green.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Ang gawain ukol sa sining ay makagbibigay ng kaligayahan sa iyo. May bago kang makikilala sa araw na ito na makapagbibigay kulay sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-6-29 at violet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Ang may hilig sa sining ay makakatagpo ng libangan ngayon. Huwag lamang maging magastos. Mas mabuting manatili na lang sa bahay kaysa lumabas pa ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3-1-0-37 at orange.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Pigilin ang sarili sa isag maluhong paggugol. Hindi ka na dapat pang lumayo upang makakita ng iyong mamahalin. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-0-35 at aquamarine.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Linisin ang utak ng mga agiw ng pag-aalala. Ngayon umupo at magmatyag sa mga darating na pangyayari. Halu-halo ang mga pangyayari sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-9-21 at crimson.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Ang relasyon sa kapitbahay ay mapagtitibay. Isang sulat ang matatanggap mula sa malayong lugar. Paunlarin ngayon ang espirituwal na kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-22-2 at emerald green.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Madali sa iyo ang magkaroon ng pera. Matulungin ka at madaling lapitan. Huwag sumangkot sa mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin ang kamalayan at pagtawag sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 9-7-3 at red.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Matatagpuan ang araw sa bagong pag-ibig na pupukaw sa iyong puso. Ang relasyong mag-uugat dito ay malamang na maging pang-habambuhay. Lucky numbers at color for the day ang 5-7-2-22 at peach.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Makakatanggap ng handog sa pag-ibig o paglagay sa tahimik. Huwag isakripisyo sa paglilibang ang mga bagay na walang kabuluhan. Isaayos ang iyong oras para hindi ka magipit. Lucky numbers at color for the day ang 9-7-3-37 at yellow.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ilagay ang iyong pagsisikap sa anumang ginagawa. Puno ng inspirasyon ang buhay dahil sa pagmamahal ng asawa at mga anak. Mayaman sa pagmamahal at pagmamalasakit ng iyong mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 8-7-4-10 at bottle green.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Mahalagang pag-ukulan ng ibayong pangangalaga ang kalusugan. Ang iyong mga pagpapakasakit sa buhay ay aani ng mabuti. Mapakinabang ang mga araw. Lucky numbers at color for the day ang 7-6-3-33 at red.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with