^

Kutob

Kutob - Oktubre 17, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Magiging manigo ang iyong negosyo. Ang mga kasamahan sa trabaho ay masigla at masipag. Sa ganitong sitwasyon marami ang matatapos mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 7-9-0 at citrine yellow.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Mula sa malayo ay may balitang makapagpapaligaya sa iyo. Ipagpaliban ang paglalakbay lalo na kung malayo ang patutunguhan. Huwag ipagmadali ang gawain sa hangad na matapos lang ito. Lucky numbers at color for the day ang 0-3-1-19 at pink.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Bigyang-pansin ang opinyon ng iba upang lumawak ang iyong kaalaman. Di-pangkaraniwan ang iyong isipan. Lucky numbers at color for the day ang 3-1-9-13 at violet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Ang personal na pagsisikap ay aani ng tagumpay. Mababawasan ang bagabag tungkol sa kalusugan ng minamahal Ang Diyos ang nagbibigay ng kakayahan para matamo ang iyong hinahangad. Huwag makalimot na magpasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 8-0-3-29 at nile green.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin. Kailangan ang dahan-dahan sa paggawa. Paborable ang pakikipag-ugnayan sa kaanak. Huwag ituloy ang balak na pagbabakasyon sa kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-9-11 at brown.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Pigilin ang anumang hangarin ng maluhong paggasta. Ang kababaang-loob ay maghahatid sa tao sa magandang bagay. Maunlad ang takbo ng negosyo. Huwag biguin ang minamahal sa kanyang inaasam. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-9-10 at midnight blue.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Mahalaga ngayon ang kamag-anak at ang kanilang payo ay higit na kailangan. Iwasang gumawa ng mga bagay na dapat ipaglihim. Ang magandang kapalaran sa salapi ay may diin ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-1-17 at yellow.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- May kanais-nais na romansa. Ang mga magandang pangyayari sa iyong buhay ay magpapatuloy. Pag-aralan muna ang mga balitang naririnig bago kumilos at magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 9-1-5-38 at fuschia.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Maging maingat at magsuri sa mga taong makakatagpo ngayon. Magsuring mabuti bago ka magpahalaga sa kanilang mga payo. Higit na masisiyahan kung magiging matulungin sa iyong kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-0-40 at red.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Mag-ingat sa paggawa ng desisyon. Ang salapi ay ingatang ipagsapalaran sa walang katiyakang transaksyon. Huwag patatangay sa mga matatamis na dila. Ang inaasahan ay matahimik na darating. Lucky numbers at color for the day ang 3-0-9-38 at scarlet.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Paborable sa anumang kasunduan ng magkakaibigan. Huwag ipagpilitan ang iyong opinyon sa mga nakatataas dahil magdudulot ito ng kanilang pagkainis sa iyo. Hindi makakukuha ng kanilang simpatiya kung magpapatuloy. Lucky numbers at color for the day ang 9-0-5-35 at cobalt blue.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Maging alerto sa mga pangyayari sa iyong buhay. Makinig sa mga payo ng manggagamot mo. Gawin ang lahat nang makatulong sa kaibigan nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8-4-0-41 at champagne yellow.

vuukle comment

ANG DIYOS

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with