^

Kutob

Kutob - Oktubre 9

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Huwag kang lubhang mapaghanap sa mga kasama sa bahay. Masusubok ang pasensya ngayong araw na ito. Hindi na kailangang lumayo pa para hanapin ang iyong kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 6-7-5-34 at golden yellow.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Maganda ang araw para bisitahin ang mga kaibigan o pamilya. May palatandaan na isang relasyon ang makakapagpasigla ng iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 8-7-1-18 at indigo.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- May magandang lakad ngayon na maaari kang pagpalain. Ang magandang kapalaran ay may diin ngayon na maaaring sa negosyo o sa iyong komunidad. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-5-19 at turquoise.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Maganda ang araw sa negosyo ngunit hindi sa marangyang paggasta. Walang magiging hadlang sa mga binabalak na gawin. Ikaw ay mas epektibong makapagtatrabaho kung nag-iisa. Lucky numbers at color for the day ang 9-0-1-14 at crimson.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Pabor ang pakikipag-ugnayan sa mga kakilala. Ang magandang pakikipag-usap ay mahalaga sa lahat. Ang eksena sa sosyalan ay dapat masigla at masaya. Mag-ingat sa iyong kilos at pananalita. Lucky numbers at color for the day ang 1-11-21-19 at purple.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Sikaping maging kagiliw-giliw sa mga tao sa iyong paligid. Ang mga ipinag-uutos ng isang taong may katungkulan ay nakalilito. Ang pagtatalo ninyo ng kasama ay hindi maiiwasan. Magiging mapakinabang ang isang transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 3-0-1-30 at magenta.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Ang tulong ng malalapit na kaibigan ay hindi mahirap hanapin. Malulutas sa araw na ito ang mga bagay na bumabagabag sa iyong kalooban. Timbanging mabuti ang gagawing pagpapasya bag tuluyang magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 8-7-6-20 at citrine yellow.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Ang pakikisalamuhang-sosyal ay lubhang nakalilibang. Ang suliraning sasalubong sa umaga ay dapat asikasuhin nang hindi ito lumala. Lucky numbers at color for the day ang 8-0-6-30 at fuschia.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Maganda at makulay ang alaala ng mga nakalipas at maaaring manumbalik at manariwa ang isang dating pag-ibig. May pagkakataon ang romansa para sa mga magsing-irog. Isang sorpresa ang tatanggapin. Lucky numbers at color for the day ang 6-0-3-40 at peach.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Huwag pansinin ang mga taong naiinggit sa iyo. Talikdan ang mga intriga na makakagulo lamang sa iyong isipan. Kontrolado mo sa kasalukuyan ang sitwasyon dahil sa mabuting pakikisama ngunit may ilan na magpipilit na siraan ka. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-9-37 at honey yellow.

LEO (
Hul. 23-Ago. 22) -- Nakabantay sa araw na ito ang mga susunod na araw na iyong tagumpay. Huwag ipag-alinlangang gawin ang makatulong sa isang kamag-anak. May kahirapang pakitunguhan ang ilang kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6-2-1-21 at strawberry red.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Talasan ang pakiramdam at maging maingat sa iyong mga kilos at pananalita. Mabiyaya ang araw kung magsisigasig sa lahat ng gawain. Ingatan ang malabis na paggugol. Lucky numbers at color for the day ang 6-5-7-32 ta cobalt blue.

vuukle comment

ARAW

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IYONG

LUCKY

MAGANDA

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with