^

Kutob

Kutob - Oktubre 5

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Ang hanapbuhay ay inaayunan ng magandang kapalaran. Maitataguyod mo ang iyong binabalak. Makapagbigay ka ng kasiyahan sa iyong mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 7-4-5-23 at maroon.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- May mabuti kang pagkakataon sa isang romansa. Paglabanan mo ang bagay na ito, kalakip ang mataimtim na dalangin. Lahat ng hinala mo at agam-agam ay walang katotohanan. Pasasamain lang nito ang iyong maghapon. Lucky numbers at color for the day ang 7-7-3-21 at ivory white.

SAGITARRIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Maganda ang araw para sa magkabiyak na puso. Isang masuwerteng Taurus ang iyong magiging inspirasyon ngayon. Makatanggap din ng paanyaya mula sa isang kaibigang magpapakilala sa iyo ng isang espesyal na tao. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-3-10 at neon green.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Tapusin mo ang lahat ng mga kompromiso. Magiging matulungin ang mga kasamahan sa trabaho ngayon. Mapapabuti mo ang iyong kalagayang pinansyal. May isang magandang balita mula sa malayo. Lucky numbers at color for the day ang 2-8-6-12 at electric blue.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Dapat kang mamalagi ngayon sa loob ng tahanan kaysa lumabas pa. May kakayahan kang harapin ang mga hindi kanais-nais na pangyayari. Matuto sa nakaraan at maging handa para sa kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 1-1-9 at yellow.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Huwag kang padadala sa sulsol ng iyong mga kaanak. Magkakaroon ng harmonya sa pamilya. ang matamis na pagtitinginan ng mag-asawa ay nagdudulot ng kaligayahan at seguridad sa mga anak. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-7-7 at green.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Magkakaroon ka ngayon ng pakikisalamuhang sosyal. Ingatan at mahalin ang pagdatal ng magagandang pagkakataon sa iyong mga gawain. Tatanggap ka ngayon ng karampatang insentibo na magagamit mo sa iyong pansariling kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 3-2-5-23 at blue.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Mangangailangan ng pansin mo ang isang mahal sa buhay ng kailangan mong mapagbigyan. Ang angking katalinuhan at kakayahan ay hahangaan ng marami. Magkaroon ka ng tamang disiplina sa sarili. Angkin mo ang diplomasya, sistema ng pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ang 3-4-9 at indigo.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Makakatagpo mo ngayon ang isang taong matagal mo nang kilala na malayo sa iyo. May hangganan ang iyong mga pagsisikap kaya kumilos sa maipapahintulot ng iyong kakayahan. Magtaglay ng pag-asa at pananalig sa Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 3-7-17-27 at aquamarine.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Mag-ingat ka sa patraydor na sistema ng ilang kasama sa trabaho. Huwag kang agad na magtitiwala. Sa gawain mo ibuhos ang iyong panahon. Angkin mo ang mga katangian ng isang pinuno na dapat tularan ng ibang tao. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-8-27 at sun yellow.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Isang tagumpay ang hatid ng araw. Ang komplikasyon mo sa salapi ay malulunasan na. Iwasan ang walang kabuluhang pulong sa mga bagay-bagay ukol sa buhay ng ibang tao. Ang pagtulong sa kapwa ay naaayon sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-8-19 at pearl pink.

VIRGO
(AGo. 23-Set. 23) -- Ang minamahal sa buhay ay lubhang magiliw. Matuto kang makibagay sa iyong mga kasambahay. Mas magiging malapit sa iyo ang mga mahal sa buhay at panibagong suporta ang kanilang ibibigay. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-7-20 at yellow.

vuukle comment

ANGKIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISANG

IYONG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with