^

Kutob

KUTOB - Oktubre 4

- Madam Rosa -


LIBRA
(Set. 24-Okt. 23) -- Iwasan mo ang matali sa anumang pangako. Mahalaga ngayon ang mga kaibigan. Ang araw ay naghahandog ng kaligayahan sa pag-ibig. Ang katapatan sa paggawa ay panatilihin sa iyong puso. Lucky numbers at color for the day ang 6-2-8-5 at amethyst violet.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Huwag kang maging mainipin at magagalitin. Iwasan ang maging mapusok sa araw na ito. Maging bukas ang kalooban sa mabuting pakikipagkapwa. Umaangkop ang araw sa pagdalaw sa isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4-9-7-39 at peach.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Umaangkop sa masayang paglilibang ang mga araw. Hindi baling maging magastos ka ngayon basta't ito ay para sa sariling kapakanan. Tumatawag ng iyong pansin ang mga bagay na makasining. Lucky numbers at color for the day ang 9-7-6-23 at scarlet.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Abangan mo ang isang mabuting balita na darating ngayong araw. Ito ang bagay na maghahatid sa iyo ng panibagong pag-asa sa buhay. Kaakibat nito ang tungkol sa buhay pag-ibig na lalong magiging makulay at masaya. Paunlarin ang kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 9-0-8-31 at turquoise.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Ang magandang kapalaran ay magkakaroon ng diin ngayon. May mabuting pagkakataon na mabibigyan mo ng kagalakan ang mga mahal sa buhay. Lawakan ang iyong pang-unawa sa lalong ikagaganda ng relasyon sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-3-15 at bone white.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Makapagpapasigla ang mga pulong na pang-komunidad lalo na kung ang usapan ay ukol sa kaalamang espiritwal. May hangganan ang pagsisikap kaya kumilos ka sa maipapahintulot ng iyong kakayahan. Masusubukan mo ngayon ang katatagan ng isang kaibigan. Ang mga tao sa iyong paligid ay lubhang mapanira kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 9-1-7-34 at cobalt blue.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Ang anumang suliranin sa araw na ito ay madaling malulutas. Malaki ang papel na gagampanan mo. Iwasan rin ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Mag-ingat ka na masangkot sa anumang kompromiso. Mabiyaya ang transaksyon mo kahit maliliit lamang. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-8-18 at magenta.

TAURUS
(Abr. 20.-May. 20) -- Taglay mo ngayon ang pambihirang talas ng isip na makakatawag pansin sa iba. Magiging maaliwalas ang araw. Maging maingat sa pagpapasya. Magkaroon ka ng sariling paninindigan. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Lucky numbers at color for the day ang 9-3-8-25 at dusty rose.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Naaayon ngayon sa pakikipagsapalaran sa mga larangang lubhang bago sa iyo. Matuto kang mag-ingat sa iyong mga gamit. Mabubuo ang isang relasyon. Sa pag-ibig ng iyong minamahal ay huwag kang mag-alala. Mahal na mahal ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 6-5-8-27 at indigo.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Ipaghintay ng tamang panahon ang mga binabalak. Magiging malapit ka sa mga biyaya ng langit. Bigyang pansin ang pampamilyang pananalapi. Matutong lumakad sa matuwid na daan. Lucky numbers at color for the day ang 6-9-7-21 at neon green.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Pawiin ang galit na iyong nadarama. Hindi naaangkop ang araw sa pakikipag-away. Ang pag-ibig sa iyo ang magbubukas ng isang panibagong buhay. Ang landas mo ay magiging maaliwalas. Gaano ka man abala kailangan mong pangalagaan ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 0-3-6-27 at grass green.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Maipapakita mo ang iyong kakayahan kung magpapasya ka ng tumpak. Taglayin ang kahinahunan sa anumang gawain. Pangalagaan ang iyong kalusugan. Huwag kang magpadalus-dalos sa iyong pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 9-2-6-29 at brown.

vuukle comment

ARAW

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASAN

IYONG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with