3 tiklo sa drug operation
QUEZON, Philippines – Kalaboso ang tatlong notoryus na drug peddler makaraang maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Berana Compound, Barangay Bukal sa bayan ng Pagbilao, Quezon kahapon ng madaling araw. ?
Personal na iniharap kay Mayor Sherrie Ann Palicpic ni Quezon PNP provincial director P/Senior Supt. Roderick Armamento ang mga suspek na sina Eufemio “Femio” Flores, 60, ng Phase 3, Block 5, Lot 6 sa Barangay Yakal Bulihan sa bayan ng Silang, Cavite; Edwin Estives, 28, ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon; at si Monique Florendo, 24, ng Barangay 4, Lucena City, Quezon.?
Base sa records ng pulisya, si Estives ay dalawang linggo pa lang nakalalaya mula sa himpilan ng pulisya sa Lucena City makaraang masakote sa kasong droga noong March 16, 2017.
Ayon kay P/Chief Insp. Rizaldy Merene, hepe ng Pagbilao Police, nasamsam sa mga suspek ang isang pouch bag na naglalaman ng 23 plastic sachet na shabu (117 gramo) at may street value na P.5 milyon.
Nasa custody ng pulisya ang sasakyang Mitsubishi Adventure (CRF 542) na ginamit ng mga suspek sa drug trade.
- Latest