^

Bansa

Nang-agaw ng bahay ‘wag itaboy - Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Siniguro kahapon ni Pangulong Duterte na hindi babawiin ng gobyerno ang mga housing units na ino­kupa ng Kadamay sa housing project sa Pandi, Bulacan.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo na dapat may-ari ng mga housing units na inokupa ng Kadamay, na huwag na silang makipag-away sa mga Kadamay dahil ipagpapatayo niya ang mga ito ng mas maayos na pabahay.

“I will build them new, better homes. I ask the soldiers to let go of the housing units occupied by Kadamay members in Bulacan,” sabi ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa ika-120 taong anibersaryo ng Philippine Army (PA) kahapon.

“Bigyan ko kayo ng mas maganda, mas konting mahal, mas komportable, at mas malaki (na housing),” dagdag pa ni Duterte.

Aniya, siniguro sa kanya ng National Housing Authority (NHA) na marami pa silang pondo na magagamit kung magpapatayo ng bagong housing projects para sa mga sundalo.

“Do not be offended. Take it with an open mind. Ako na mismo inyong presidente nakikiusap, let’s not wage fight vs own people,” wika pa ng Pangulo.

Dahil dito, hindi na babawiin ng gobyerno mula sa mga Kadamay members ang mga housing units na sapilitan nilang inokupa sa Bulacan.

Magugunita na mahigit 5,000 housing units sa Pandi ang inokupahan ng Kadamay members noong unang linggo ng Marso.

Ang katwiran ng Kada­may, bakante naman ang nasabing mga pabahay at tila ayaw tirahan ng mga sundalo at pulis kaya dapat ay ipamahagi na lamang ito sa kanilang mahihirap na matagal nang gustong magkabahay.

vuukle comment

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with