^

PSN Opinyon

Mahalagang mabantayan ang teritoryo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Malaya na raw ang China na maglagay ng kahit anong kagamitang militar sa South China Sea, dahil malapit nang matapos ang kanilang mga itinatayong istraktura sa tatlong malaking islang inilikha sa Spratlys – Subi, Mischief at Fiery Cross Reefs. Malawak ang lugar na mababantayan nitong tatlong isla, lalo na kung maglagay na ng mga radar. At dahil may mga paliparan ang tatlong isla, kahit anong klaseng eroplano ay makakalipad at makakalapag na rito. Matagumpay na ang China sa paglagay ng mga base-mi­litar sa karagatan. Karagatan na inangkin sa pamamagitan ng pangmamaton at banta ng karahasan.

Kaya malaking isyu kung magtatayo na rin ng istraktura sa Scaborough Shoal. Napakalapit na nito sa bansa. Isipin na lang kung may mga kagamitang militar na rin na ganyan kalapit sa bansa. Maraming mga barko at eroplano ng bansa ang lumalayag at lumilipad sa lugar na iyan. Nababahala rin ang mga mangingisda. Kung may base militar na sa lugar, makalapit pa kaya sila sa lugar?

Dumating na ang unang dalawang TC-90 na eroplano na pinauupahan ng Japan sa Pilipinas. Pinaupahan ang mga eroplano para magamit natin sa pagbantay ng ating teritoryo, partikular ang ating exclusive economic zone. Alam ng Japan, na may sariling isyu sa China pagdating sa teritoryo, ang kahalagahan ng pagbantay ng teritoryo. May tatlo pang eroplanong parating sa susunod na taon.

Ano naman ang silbi ng mga iyan, kung tila pinababa­yaan na lang ni Pres. Rodrigo Duterte ang China na gawin ang kahit anong gusto nilang gawin? Ipinahayag ni Duterte na walang magagawa ang Pilipinas kung magtatayo ang China sa Scarborough Shoal, dahil wala naman tayong laban sa lakas-militar nila. Pero sinabi rin niya na ayon sa mga opisyal ng China na nakausap niya umano, hindi magtatayo ang China ng istraktura sa Scarborough Shoal. Sa ngayon. May mga eksperto na nagsasabi na panahon na lang ang hinihintay bago angkinin na ng lubusan ng China ang Scarborough at tayuan ng istruktura. Kaya mahalaga na bantayan ang mga lugar tulad ng Scarborough at Benham Rise. Pasalamat tayo at may mga kaalyado pang tumutulong sa atin. Ang mga TC-90 ay may kakayanan na ma­bantayan ang mga lugar na iyan. Sana, magamit nang maayos.

vuukle comment

MISCHIEF AT FIERY CROSS REEFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with