^

Pang Movies

Kris maingay na naman!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naglabas na si Kris Aquino ng patikim ng kanyang Trip Ni Kris, isang Philippine travel special sa kanyang Instagram account. Sa March 26 na ang special niya sa GMA Network na mapapanood after ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nasa hanging bridge si Kris at overlooking ang park na kanyang pinuntahan.

Nagpasalamat siya kay Dory Morales na producer daw niya para magkaroon ng katuparan ang special show.

Agad na umabot sa 500 comments ng pagka-miss kay Kris ang pinost niya. Hindi rin siyempre naiwasan ang magkaroon ng bashers.

Basta kahit saang channel eh susuportahan pa rin nila ang Queen of All Media, huh!

Hayan, maingay na naman ang mundo ni Kris!

Sen. Bong sa Facebook lang nasilayan ang graduation ng anak

Idinaan ni Senator Bong Revilla, Jr. sa kanyang Facebook post kahapon ang pagbati sa graduation ng anak na si Gianna Revilla.

Gustuhin man kasi ng senador na makita ang anak na tumanggap ng diploma, hindi niya ito magawa dahil naka-detain siya. Matamis para sa kanyang pagmasdan ang picture ng anak na naka-graduation oufit sa harap ng Philippine International Convention Center.

“Anak, I am very proud of you. Pangarap ng bawat magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak, at ang araw na ito ay pagkamit ng isa sa aking mga pangarap para sa iyo. You are one step closer to realizing all your dreams and aspirations,” bahagi ng post ni Sen. Bong.

Ang isa pang event na na-miss ni Bong ay ang 90th birthday ng amang si Ramon Revilla, Sr. kung saan umiyak ang huli nang bisitahin ng kaibigang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nora tumupad sa pramis

Habang nagkandahirap sa pagkanta ang naglalabang singer sa Showtime, minane-mane lang naman ni Baeby Baste ang ginawang concert sa Eat Bulaga kahapon.

Chill lang ang batang Dabarkads na sinamahan nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon at Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, huh! Enjoy lang siya sa pagkanta kahit na ipinambala siya sa mga totoong singer, huh!

Sa EB din kahapon, tinupad ni Nora Aunor ang pangako na sa EB sisipot at hindi sa kabilang show. Game siyang sumali sa Jackpot en Poy segment. Sa unang salto eh, panalo agad siya kay Ivan Mayrina. Todo halakhak ang Superstar nang makadalawang sunod na panalo kay Ivan! Hindi niya itinago ang katuwaan nang matalo niya ang GMA news reporter/anchor.

Sa labanang Ate Guy versus Efren Bata, wagi ang nag-iisang Superstar!  O, baka gawan ninyo pa ng intriga ang panalo ni Nora, huh!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with