Drug peddler tiklo sa P.5-M shabu
CAMARINES NORTE, Philippines - Arestado ang sinasabing big time drug peddler makaraang makumpiskahan ng P.5 milyong halaga ng shabu sa inilatag na drug bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bisinidad ng Lily’s Restobar sa Barangay Plaridel, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte noong Linggo ng hapon. Sa naantalang ulat na ipinadala ni PDEA Regional Director lll Emerson Margate, pormal na kinasuhan ang suspek na si Mark Athony “Mac” Evia. Ayon sa ulat, hindi na nakapalag ang suspek makaraang masamsaman ng 107. 6434 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 538, 217. Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II of Republic Act 9165 ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay nakapiit sa nasabing ahensya.
- Latest