^

Police Metro

Drug war: 4 sugatan, P.5 M shabu nakumpiska

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat ang nasugatan kabilang ang dalawang sundalo habang nasa P.5 namang shabu ang nasamsam matapos makasagupa ng security forces ang mga elemento ng lawless groups na sangkot sa illegal drug trade sa Brgy. Lipao, Datu Paglas, Maguindanao nitong Sabado ng umaga.

Bandang alas-7:46 ng umaga, ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng Army’s 33rd Infantry Battalion, sinalakay ng kaniyang mga tauhan at ng PDEA ARMM ang kuta ng mga pinaghihinalaang lawless elements na sangkot sa illegal drug trade sa nasabing lugar.

Gayunman kumasa ang mga suspek na agad nagpaputok sa security forces na nauwi sa halos isang oras na bakbakan bago nagsiatras ang mga kalaban pero dalawa sa mga ito ay sugatang nasakote sa operasyon.

Sinabi ni Cabunoc, isang opisyal at isang enlisted personnel ang nasugatan nang mahagip ng shrapnel mula sa pinasabog na M203 grenade launcher ng mga kalaban.

Nasamsam ng mga awtoridad ang isang M16A1 rifle, nasa 80 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P 500,000.00 at mga drug paraphernalia.

 

vuukle comment

LAWLESS GROUPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with