^

Dr. Love

Wala nang tiwala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Tawagin na lang po ninyo akong si Boboy, lampas na ng 35 ang edad ko, may asawa at isang anak.

Pero ang saklap ay magkahiwalay kami ng aking pamilya, makaraan ang komprontasyon nangyari nang umuwi ako nang biglaan sa tinitirhan namin sa Quezon City.

Namamasukan po kasi ako sa isang farm sa Batangas at stay-in ako doon para makatipid sa pamasahe.

Minabuti kong hindi mag-abiso kay Pacita na uuwi ako. Gusto ko kasing makumpirma kung totoo ang mga sinabi sa akin ng pinsan ko tungkol sa panay na pagpupustura ng aking asawa at pagkahumaling sa sugal.

Naoobserbahan ko rin po na kahit pa namamasukan bilang stay out kasambahay si Pacita at nadadalas ang pagtawag niya sa akin para humingi ng pera dahil nagkakabaun-baon na siya sa hindi ko malamang dahilan.

Dinatnan kong nag-iisa sa bahay ang aming anak. Ala-5 raw dumarating ang kanyang ina pagkatapos sunduin ang 1-taong anak ng isang GRO na pinagsisilbihan niya.

Ang sabi ng mga kamag-anak ko, kahit pwede nang umuwi ay tumatambay pa si Pacita at sumasama sa pagsusugal ng kanyang amo.

Nang subukan kong sitahin siya tungkol dito, nagalit siya nang husto. Bakit raw mas pinaniniwalaan ko ang aking mga kamag-anak? Kung wala raw akong tiwala sa kanya, maghiwalay na lang kami, para wala na raw akong iintindihin asawa at anak.

Noon din ay umalis ako sa aming barung-barong. May ilang buwan nang hindi ako tinatawagan ni Pacita, ang anak lang namin ang nakakausap ko na madalas pang sinasabing ayaw na niya sa akin dahil pabaya akong ama.

Dr. Love, ramdam ko po na nagbago na ang aking asawa na para bang may ipinagmamalaki na siya. Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Gumagalang,

Adolfo

Dear Adolfo,

Kahit kailan ay hindi magiging makatuwiran na sabi-sabi ang tanging pagbasihan tungkol sa hindi pagkakaunawan ng mag-asawa. Bakit hindi mo muna obserbahan ang iyong asawa o tanungin siya sa malambing na paraan at hindi parang kumpirmado na ang lahat nang sumbong sa’yo.

Ang mabuti pa ay simulan mo nang suyuin ang iyong asawa at humingi ka ng tawad para maisalba mo ang iyong pamilya. Sakaling magkaroon kayo ng problema, alamin mo at huwag kang dumipende sa sabi-sabi lang.

Dr. Love

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with