^

Pang Movies

At matulad kay Kris Vice takot masingitan sa Showtime

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga nagtatanong at nagsa-suggest, bakit daw hindi kumuha ng stand up comedian para sa programang Its Showtime kapag uma-absent si Vice Ganda.

Kung minsan ay matagal din siyang nawawala gaya nang nangyayari this week. Kaya dapat may humahalili sa kanya para huwag mabakante ang papel niya.

Ang problema, may nagkomentong baka ayaw ni Vice Ganda na may pumalit dahil baka raw pagbabalik nito ay mas nagugustuhan na ng mga televiewer ang ipinalit sa kanya.

Well, tama nga naman dahil ‘pag nagkataon wala siyang babalikan tulad ni Kris Aquino na ang timeslot ay napunta na kina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal.

Liza pinakamatunog lumipad

Matunog ang balitang malaki ang chance ni Liza Soberano na mapiling gumanap na Darna. Qualified kasi ang dalaga sa mga katangiang hinahanap para gumanap sa pamosong cartoon character/Pinoy superhero.

Maraming suggestion kung sino ang mga pwedeng gumanap pero si Liza ang matunog na nababalita.

Dating nasa GMA 7 daw ang aktres pero nakakapitong araw pa lang siya ay naakit nang lumipat sa ABS-CBN.  

Ang pangalang gamit pa niya noon ay Hope Soberano. Pero hindi ito type ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema kaya ginawang Liza para raw magandang pakinggan.

Well, nkung susuwertihin baka nga si Liza na ang mapili para tumigil na ang mga hula-hula kung sino ba talaga ang gaganap na Darna.

Bubog ipapalabas sa Davao

Sa March 30 ay ipapalabas na ang pelikulang Bubog ng Crystal Film directed by Arlyn Dela Cruz sa SM Lanang Davao City.

Maganda ang mensahe ng pelikula na may katotohanan sa kasalukuyang nagaganap sa buhay ng mga Pilipino.

Kwento ni Ms. Arlyn, wala siyang naging problema sa mga artista niya na pawang propesyonal.

Nariyan sina Julio Diaz, Beth Oropesa, Jackie Blanco, Alan Paule, Jak Roberto, Chanel La Torre, Karl Medina at iba pa.

Marami nang pelikulang naidirek si Direk Arlyn at isa raw sa pinakamaganda ang Bubog kung saan tampok din si Janice Jurado.   

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with