^

Bansa

Dasal sa bibitaying OFW sa UAE hingi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng mga Pi­li­pino mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang pa­nalangin upang makakuha ng hustisya ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez na unang hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa kanyang amo sa United Arab Emirates (UAE).

Ang desisyon sa apela ng kaso ni Dalquez, 30-anyos, sa UAE Court of Appeals ay inaasahang lalabas anumang oras kasunod ang itinakdang pagdinig sa kanyang apela na death sentence kahapon.

Sinabi pa na hindi nag-iisa si Dalquez na humihi­ling ng hustisya. Tinukoy nila na nitong Peb­rero ay binitay ang OFW na si Jakatia Pawa dahil sa umano’y pagpatay sa anak na babae ng kanyang employer sa Kuwait.

Sumugod din ang ilang Pinoy sa Embahada ng UAE sa London upang hilingin sa UAE government na mabigyan ng hustisya si Dalquez na anila’y nagtanggol lamang sa kanyang sarili sa tangkang panghahalay ng kanyang among lalaki.

Isinisigaw ng mga protesters na hindi dapat mabitay ang isang nagtatanggol sa rape at dapat pang mabigyan si Dalquez nang hustisya. 

 

vuukle comment

UAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with