^

PM Sports

Lady Chiefs haharap sa krusyal na laro versus Lady Pirates

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maghaharap ang Arellano University Lady Chiefs at Lyceum of the Philippines Lady Pirates sa pinaka-crucial na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament na gaganapin sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang tournament second best 6-1 win-loss kartada, target ng Lady Chiefs ang pormal na pagpasok sa Final Four habang ang Lady Pirates na may hawak na 5-2 card ay hangad na masungkit ng playoff  para sa huling semifinal berth sa kanilang pagtatagpo sa alas-11:30

Mataas ang kumpiyansa ng Lady Chiefs bunga sa kanilang sorpresang 25-21, 25-21, 25-21 panalo kontra sa St. Benilde Lady Blazers noong Miyerkules para makuha ang kanilang ika-anim na panalo sa pitong laban at tumuntong sa solo second spot.

Dahil sa malaking panalo, nakuha rin ng Lady Chiefs  ang playoff para sa huling semis slot kaya tiniyak ni coach Obet Javier na nasa magandang kundisyon ang tropa para makasama sa pagunguna ang wala pang talong San Sebastian Lady Stags (7-0) sa susunod na round.

“We need to play as a team again to win,” sabi ni coach Javier ng Arellano na haharap naman sa San Sebastian Lady Stags ni Grethcel Soltones sa huli nilang elimination round assignment sa Enero 23.

Sa men’s division, magtatagpo naman ang landas ng Lyceum Pirates na mayroong 3-4 card at ang Arellano Chiefs na tangan ang 5-2  record dakong alas-2:30 ng hapon.

May pag-asa pa ang Arellano Chiefs at Lyceum Pirates na pumasok sa semis.

Sa Juniors division naman, itataya ng Lyceum Junior Pirates ang kanilang malinis na 5-0 record sa paghaharap sa Arellano Junior Chiefs (4-1) dakong alas-8:30 ng umaga. (FC)

vuukle comment

LADY CHIEFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with