^

Police Metro

Babaeng pulis inutas ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang babaeng pulis matapos na pagbabarilin ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo kamakalawa ng hapon sa harap ng karinderya sa national highway ng Sitio Mialim, Brgy. Vitali, Zamboanga City.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Peggy Lynne Vargas, 40, nakalataga sa Zamboanga City Police Station 1 matapos magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon kay Supt. Michael Nicolas, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 na bago nangyari ang pamamaril sa biktima sa nasabing lugar dakong alas-5:57 ng hapon ay nakatayo ito sa harapan ng isang karenderya nang biglang   sumulpot ang mga suspek  na lulan ng XRM 125 na kulay itim na motorsiklo.

Dito ay nakita ng mga kasamahan ng biktima na sina Ma. Socorro Zamonte at Alona Zamonte nang pagbabarilin ang una ng nakaangkas sa motorsiklo na sumibat patungo sa direksyon ng Brgy. Tictapul, Zamboanga City.

vuukle comment

BABAENG PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with