^

Banat Kalingawan

Wala na magpakita

PASABTA KO... - Tita Salie - Banat

Dear Tita Salie,

Have a wonderful day. Ako pala si Lora. Isa'ng biktima ng panloloko ng pag-ibig. Nagkakilala kami ng lalaki'ng 'yon sa Maynila. Dinala niya ako dito sa Bogo, Cebu. Isang buwan kami'ng nagsama. Isang araw sabi niya, uuwi daw muna siya sa mama niya pero hanggang ngayon hindi na siya nagpakita sa akin. May natanggap akong text galing sa kanya na nagkabalikan na daw sila at sa kanyang asawa. Napakasakit ng ginawa niya, Tita Salie. Please advice me. Maraming salamat po.

* * *

Hello Lora,

Ang maipapayo ko lang sa iyo na mas mabuti umuwi ka muna sa inyo at doon mo palipasin ang sama ng loob na sinapit mo. Kasi kung d'yan ka lang magmumukmok wala'ng mangyayari sa buhay mo. Palagi mo lang maiisip ang mga pangyayari. Turoan mo ang iyong sarili na malimotan mo siya dahil may asawa na siya, Lora. Wala ka'ng mapapala sa kanya dahil may pamilya na siya. Magiging kawawa ka lang kung ipagpipilitan mo ang iyong sarili. Ang mabuti mo'ng gawin, libangin mo ang inyong sarili, kalimotan mo ang nangyayari, at makakahanap ka pa ng iba yung totoong magmamahal sa iyo. -- Tita Salie

vuukle comment

CEBU

DEAR TITA SALIE

DINALA

HELLO LORA

ISA

ISANG

KASI

MAGIGING

MARAMING

TITA SALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with