^

PM Sports

Baby Falcons, NU Bullpups tabla pa rin sa liderato

HOROSCOPE - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tabla pa rin sa liderato sa juniors division ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament ang Adamson High School at defending champions Nazareth School of National University matapos magwagi sa kani-kanilang mga laban sa San Juan Arena kahapon.

Tinalo ng Adamson ang University of the Philippines Integrated School sa iskor na 77-59 sa unang laro habang pinataob naman ng NU ang Season 78 runner-up na La Salle-Zobel sa iskor na 63-52.

Kumolekta ng 22 puntos, 10 rebound at 3 assist si Encho Serrano para muling pamunuan ang Baby Falcons. Nagtala rin ng double-double ang kanyang kakamping si Carl Vincent Tamayo na tumapos ng may 15 puntos at 14 rebounds.

Pinangunahan ni Gerry Abadiano ang opensiba ng Baby Falcons sa third quarter kung saan niya inilayag ang 10 sa kanyang kabuuang 20 puntos para maungusan ang Junior Maroons sa scoring, 25-15 sa kanilang pang-walong panalo sa siyam na laro.

Gumawa naman ng 8 puntos at 6 na rebound si Martin Romero para sa La Salle-Zobel na tabla sa 2-7 kasama ang University of Sto. Tomas at University of the East.

Sa iba pang laro, nalo ang Ateneo (5-4)  sa UST, 81-75 sa pangunguna ng 17 puntos ni Dave Ildefonso habang ginupo naman ng Far Eastern University-Diliman (7-2) ang UE sa iskor na 94-51 sa pamumuno ni Karl Baclay na umiskor ng 15 puntos mula sa bench. (FML)

vuukle comment

BABY FALCONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with