^

Bansa

‘Sigue-sigue gang’, bulagta

HOROSCOPE - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang pinaniniwalaang miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gan’g nang pagbabarilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin, habang nakatayo ito sa eskinita ng Gate 10, Area B, Parola, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala lang  sa alyas na Jack, nasa 25-30 anyos, katamtaman ang katawan, nasa 5’4 ang taas at nakasuot ng puti na sando, blue na six-pocket shorts at blue na tsinelas.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -11:05 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa nasabing lugar.

Wala ng iba pang nakakilala sa biktima at hindi umano ito residente ng lugar.

Nakarinig lamang umano ng mga putok ang mga residente at walang nais magbigay ng impormasyon sa kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa pagpaslang dito.

Nakita lamang umano na nakatayo ang biktima nang lapitan ng isang lalaki at pinaputukan ng ilang ulit bago kaswal na nag­lakad papalayo sa lugar ang huli.

vuukle comment

BULAGTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with