^

Metro

‘Task Force Amora’, binuo ng QCPD

HOROSCOPE - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
�Task Force Amora�, binuo ng QCPD
Ayon kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang grupo ay tinawag na Special Investigation Task Force Amora na tututok sa kaso ng pamamaril sa mga biktimang sina Jonas Amora, 55, Regional Director II ng BIR Makati at Angelo Pineda, 50, company driver.
File photo

MANILA, Philippines – Bumuo na ang Quezon City Police District (QCPD) ng isang task force na mag-iimbestiga sa insidente ng pamamaril sa director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa kasama nito, kamakalawa ng umaga sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director P/Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang grupo ay tinawag na Special Investigation Task Force Amora  na  tututok sa kaso ng pamamaril sa mga biktimang sina Jonas Amora, 55, Regional Director II ng BIR Makati at Angelo Pineda, 50, company driver.

Sila ay pinagbabaril ng riding-in-tandem suspect habang sakay ng isang Toyota Innova (EBZ-502) sa may C5 Katipunan Avenue, kanto ng Topside Road, Libis St., Brgy. Escopa, Quezon City, dakong alas-5:02 Lunes ng umaga.

Dead on the spot sa loob ng passenger seat  si Amora habang naitakbo naman sa ospital si Pineda.

Sabi ni Eleazar, pangungunahan niya ang binuong Task Force katuwang si P/Senior Supt. Crizaldo Nieves bilang assis­tant commander.

Aalamin anya nila kung may kinalaman ang insidente sa trabaho ni Amora sa kagawaran o personal na alitan.

Sinabi pa opisyal na nasimulan nang kausapin ng kanilang personnel ang ilang kaanak at ka-trabaho ng biktima para sa karagdang impormasyon.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin anya makausap ang sugatang si Pineda dahil hindi pa maayos ang sugat sa mukha na natamo nito.

Bukod dito, hawak na rin umano ng QCPD ang limang CCTV cameras na maaring makapagbigay linaw sa naganap na pama­maril sa mga biktima.

vuukle comment

TASK FORCE AMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with