^

Police Metro

Rescue OPS: 5 abu utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Napatay ng mga sundalo ang limang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa kidnapping for ransom habang 11 namang sundalo ang nasugatan sa isang sagupaan  sa isang rescue operation upang iligtas ang nalalabi pang mga hostages sa Indanan, Sulu kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Lt. Gen. Carlito Galvez, Commander ng AFP-Western Min­danao (AFP-Westmincom) bandang ­alas­­­-5:15 ng hapon nang magsagawa ng pinaigting na operasyon  ang tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa ilalim ng superbisyon ni Col. Cirilito Sobejana  laban sa grupo ng mga bandidong may hawak sa mga bihag sa bisinidad ng  kagubatan sa Brgy. Bud Taran, Indanan.

Habang tinutugis ang mga bandido ay nakabakbakan ng 2nd Scout Ran­ger Battalion ng JTF Sulu ang grupo Abu Sayyaf  at sa palitan ng putok ay napatay ang limang bandido habang 11 ang nasugatang sundalo.

 “All the wounded soldiers were promptly evacuated to Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital and were immediately given medical attention”, ayon pa sa opisyal.

Patuloy ang opensiba ng Joint Task Force Sulu laban sa  Abu Sayyaf upang mailigtas ang hawak nilang 31 bihag matapos ang ginawang pagpugot sa Aleman na si Juergen Gustav Kantner  noong  nakalipas na Pebrero 26 bunga ng kabiguang magbayad ng P 30-M ransom.   

vuukle comment

HOSTAGES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with