^

Police Metro

Kapitana itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 43 anyos na ginang na Punong Barangay matapos barilin ng dalawang beses sa ulo ng hindi pa kilalang suspek, habang naglalakad pauwi ng bahay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Nenita Acuña, chairwoman ng Brgy. 200, Zone 18 at residente ng  no. 1026-A Hermosa St., Tondo, Maynila.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng tribal gear na jacket, bull cap, maong ang shortpants  at armado ng kalibre 45 baril.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:59 ng gabi sa Dela Cruz St., kanto ng Hermosa ay katatapos lamang umanong mag­kabit ng mga tarpaulin sa  lugar ng kaniyang nasasakupan ang biktima at naglalakad kasama ang barangay treasurer na si Jesskenlee Torres, 29 at iba pang kalugar na kung saan ay nakabuntot ang suspek na bumunot ng baril at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at sinalakay ang pinaghihinalaang suspek na isang  Adrian Tayag  alyas “Pitong”  sa bahay nito sa Tayag St., Tondo ngunit wala ito doon.

Dito ay natiyempuhan sina Allan Tayag, 19, at Florentino Cadano, 32, kapwa residente ng Hermosa  St., na nakuhanan ng dalawang plastic sachet ng shabu at isang kalibre 38 paltik na kargado ng limang bala.

Hinala ng pulisya na posibleng may kaugna­yan ang naganap na pamamaslang kay Acuña sa pagkakaaresto ng  3 katao sa lugar sa possession of illegal drugs o kasong paglabag sa Republic Act 9165 at illegal possession of firearms o  RA 10591 noong Pebrero 25, 2017 na kung saan ay nakiusap sa biktima ang pamilya ng naaresto na maki­pagnegosasyon sa mga pulis para makalaya, subalit tumanggi ito. Pinaghihinalaan umano si Acuña  na nagbigay ng impormasyon kaya nadakip ang tatlo.

vuukle comment

NENITA ACUñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with