Seklusyon nasa tv na
Mapapanood na ang most-awarded MMFF 2016 film na Seklusyon sa ABS-CBN TV at online platforms sa pamamagitan ng Super Kapamilya Box Office (KBO).
Matutunghayan ang Seklusyon sa ABS-CBN TVplus (digital TV), ABS-CBNmobile (online), at SKY (cable TV, direct-to-home, at video-on-demand) at ang isa sa mga pumatok na MMFF movie na kakapalabas lang noong Disyembre.
Umiikot ang kwento ng Seklusyon tungkol sa mga paring naghahanap ng proteksyon sa demonyo habang nasa huling mga araw na sila ng kanilang training, ngunit tinutukso sila ng demonyo na kalimutan ang kanilang ambisyon. Kabilang sa cast nito sina Ronnie Alonte, an child actress na si Rhed Bustamante, at ang MMFF Best Supporting Actress na si Phoebe Walker.
Humakot ang Seklusyon ng pitong major awards kabilang na ang Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design, Best Sound Design, Best Original Theme Song, at Best Supporting Actress.
Bukod sa Seklusyon, mapapanood na rin ang box-office film na Heneral Luna, Coming Soon, My Big Love, Not Forgotten, at Veronika Decides to Die. May catch-up episodes din ng PBB at Myx sa Super KBO.
Huwag palampasin ang isa sa mga magandang pelikulang Pinoy ng 2016 sa Super KBO para kasama ang buong pamilya ngayong weekend.
- Latest